Kapayapaan at pagsugpo ng kidnapping sa Mindanao, inaasahan ng Obispo kay Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

Inaasahan ng isang Obispo na masusugpo ng Duterte administration ang malaking problema ng kidnapping at makamit ng taga-Mindanao ang kapayapaan.

Naniniwala si Basilan Bishop Martin Jumoad na malaki ang maitutulong ng isang Pangulo na taga-Mindanao dahil alam nito ang ugat ng mga problema sa rehiyon.

Kumbinsido si Bishop Jumoad na matutukan ng bagong presidente ang matagal nang problema sa pagkakaroon ng kapayapaan sa rehiyon at sa buong bansa.

Tiwala din ang Obispo na mabubuwag ng Pangulong Duterte ang “kidnapping business” sa Mindanao.

Ipinagdarasal ng Obispo na maayos at matatapos ng bagong administrasyon ang malaking problema sa mga bandidong Abu Sayyaf.

“With a president from Mindanao, he can address the problem on peace and order especially kidnapping. Abu Sayyaf problem must be finished,”pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC noong 2015, 17,113-pamilya ang internally displaced person mula sa 59 na barangay sa North Cotabato at Maguindanao dahil sa rito at kaguluhan doon.

Noong nakaraang Abril, pinugutan ng ulo ng bandidong grupo ang kanilang hostage na si John Ridsdel at nitong nakaraang buwan ng Hunyo ay pinugutan din ng ulo ang Canadian national na si John Hall matapos hindi ibigay ang hinihingi nilang ransom.

Anim na araw na ang nakalipas, pinalaya naman ng bandidong Abu Sayyaf ang Pinay hostage na si Marites Flor.
Sa kasalukuyan, hawak pa rin ng bandidong grupo ang 7-Indonesian sailors ng tugboat Charles-001 na kanilang dinukot sa Jolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 6,504 total views

 6,504 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 30,820 total views

 30,820 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 66,610 total views

 66,610 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 108,410 total views

 108,410 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 161,245 total views

 161,245 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 62,198 total views

 62,198 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 39,771 total views

 39,771 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 78,193 total views

 78,193 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top