Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasarinlan ng lehislatura

SHARE THE TRUTH

 428 total views

Mga Kapanalig, isang matimbang na katangian ng isang demokrasya ang tinatawag natin sa Ingles na “separation of powers” ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Ang sangay ng ehekutibo na binubuo ng pangulo, ng kanyang gabinete, at mga departamentong pinatatakbo nila ay siyang madalas ituring na pinakamakapangyarihang sangay sa ating sistema ng pamamahala. Ang ikalawang sangay naman ay ang lehislatura na binubuo ng Kongreso at Senado at siyang gumagawa ng mga batas na dapat ay ipinatutupad ng buong pamahalaan at sinusunod ng mga mamamayan. Ang ikatlong sangay ay ang hudikatura na humuhusga kung mayroong naganap na paglabag sa batas at nagbibigay-linaw sa iba’t ibang interpretasyon ng batas.
Sa isang demokrasya, ginawang magkakahiwalay ang mga gawain at kapangyarihan ng tatlong sangay na ito upang maaring maiwasto ang kilos ng isang sangay kung ito man ay maging mapagmalabis sa kanyang kapangyarihan o kaya’y mapang-api sa taumbayan. Tinatawag ito sa Ingles na pagkakaroon ng “checks and balances,” isa pa ring matibay na prinsipyong sinusunod sa isang demokrasya upang protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Ang katuruan ng ating Simbahan ay pinapanigan at sinasang-ayunan ang prinsipyong ito ng paghahati-hati ng mga kapangyarihan ng estado. Sa pananaw ng Simbahan, ang ganitong sistema ay higit na mapangangalagaan ang tinatawag nating rule of law o ang pagtitiyak na ang nasusunod ay ang batas at hindi ang kagustuhan lamang ng namumuno.
Sa usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan para sa ilang mga piling krimen, may isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang nagsabing bagama’t marami sa kanila ay hindi sang-ayon sa pagbabalik ng parusang bitay, ang mga ito ay mapipilitang bumoto nang sang-ayon sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan. At bakit, mga Kapanalig? Sinabihan raw sila ng liderato ng Kamara na ang hindi bumoto ng pagsang-ayon sa panukalang batas ay hindi makatatanggap ng pondo para sa mga proyekto ng kanilang distrito. Kung wala silang pondo at walang proyekto, paano nga naman sila mananalo sa susunod na eleksyon? Samakatuwid, mga Kapanalig, boboto ang mga kongresista nang sang-ayon sa panunumbalik ng parusang bitay hindi dahil sa dikta ng kanilang konsensya, o dahil sa ito ang gusto ng mga kinakatawan nila, kundi dahil ito ang kagustuhan ng pangulo.
Kung totoo ang isiniwalat ng kongresista, ano ang sinasabi nito tungkol sa ating demokrasya? Mayroon nga ba tayong tunay na separation of powers at checks and balances?
Marami ngang nagsasabing lubhang napakamakapangyarihan ng pangulo sa ating sistema ng gobyerno dahil kontrolado niya ang pondo ng mga mambabatas para sa kanilang mga proyekto. Sa ilalim ng ganitong kalakaran, hindi mahirap isiping magiging sunud-sunuran sa ehekutibo ang kongreso sa maraming mga mahahalagang usapin. Kung wala nang sariling desisyon ang mga mambabatas, maituturing pa bang tunay na demokratiko ang pagpapatakbo ng ating gobyerno? Hindi kaya lubhang mapanganib ang ganitong sitwasyon lalo na kung ang ehekutibo ay hindi kumikilala ng hangganan ng kanyang kapangyarihan at wala pang makapipigil sa kanya?
Ngunit ang totoo, mga Kapanalig, nakasalalay din naman sa ating mga mamamayan kung ano ang dapat gawin ng ating mga kinatawan sa Kongreso. Kahit na nakapasá na ang panukalang batas sa second reading, tanungin natin ang ating mga sarili: Ano ang ating posisyon sa pagbabalik ng parusang bitay? Anuman ang paninindigan natin, dapat ipabatid natin ito sa mga mambabatas upang ito ang kanilang dalhin sa kanilang pagboto. Kaya ba nating sabihin sa ating kinatawan, “Sundin mo kami at tutulan mo ang pagbabalik ng parusang bitay at tutulungan ka naming makuha ang pondo para sa proyekto ng ating distrito”? Kaya ba natin ang ganitong uri ng “people power” na naninindigan sa utos ng Diyos laban sa pagpatay at ipinagtatanggol ang kasarinlan ng ating lehislatura upang ang nais ng mga mamamayan, at hindi ng pangulo lamang, ang siyang manaig?
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,287 total views

 4,287 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 17,427 total views

 17,427 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 23,400 total views

 23,400 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,155 total views

 29,155 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 36,417 total views

 36,417 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,288 total views

 4,288 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 17,428 total views

 17,428 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 23,401 total views

 23,401 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 29,156 total views

 29,156 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 36,418 total views

 36,418 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,932 total views

 40,932 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,313 total views

 36,313 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,317 total views

 48,317 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,359 total views

 56,359 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,916 total views

 47,916 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,341 total views

 46,341 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,127 total views

 48,127 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,052 total views

 45,052 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,366 total views

 59,366 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,056 total views

 63,056 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top