Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,519 total reads

Ang Mabuting Balita, 5 Nobyembre 2023 – Mateo 23: 1-12
KATANYAGAN
Noong panahong iyong, sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanang ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyo tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyo tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesiyas. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”
————
Noong mga bata pa tayo, mayroon tayong laro na may kasamang kanta, “Follow the Leader, kung saan ang mga kalahok ay gumagaya ng ginagawa, at inuulit ang sinasabi ng taong napili na lider o pinuno. Ang mga eskriba at Pariseo ay maaaring matawag na mga pinuno sapagkat inaako nila na sila ay mga dalubhasa ng Batas ni Moises. Malinaw na hindi ito maaaring gamitin sa uri ng pamumuno nila sapagkat sinasabi lang nila sa mga tao ang dapat gawin na sila mismo ay hindi ginagawa o hindi kayang gawin. Ang mahalaga lamang para sa kanila ay ang KATANYAGAN ng pagiging dalubhasa, ang mabigyan ng parangal sa mga liwasang-bayan (na napakabuti para sa kanila sapagkat napakaraming tao dito), sa mga piging, sa mga sinagoga, at higit sa lahat, ang matawag na “Guro.”
Hindi sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag pakinggan o sundin ang mga sinasabi ng mga eskriba at mga Pariseo, kundi huwag sundin ang kanilang pagpapakitang-tao o ang pagpapaimbabaw, at ang kanilang pagnanasang makatanggap ng labis na papuri. Kailangan nating matanto na lahat ng tao ay nilikhang pantay-pantay ng Diyos, at ang maghangad na maging mas mataas sa ibang tao ay pakikipagkumpetensya sa Diyos. Ano ang saysay ng pakikipagkumpetensya sa Diyos na kahit kailan ay hindi natin mapapantayan? Ito ay labis na pag-aaksaya ng oras! Bakit hindi na lang tayo magsimula kung nasaan tayo, kung anong mayroon tayo, at hilingin sa Espiritu na tulungan tayong matanto kung ano ang personal na layunin natin sa buhay? At pagkatapos matanto, maaari nating gawin ang pinakamabuti upang magamit ng husto ang oras natin sa mundo, at magkaroon ng pagkakataong makamit ang buhay na walang hanggan kapag tapos na ang oras natin sa mundo.
Panginoon, tulungan mo kaming makapaglingkod ng malinis sa pamamagitan ng paggawa ayon sa aming sinasabi!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 50,858 total reads

 50,858 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 133,886 total reads

 133,886 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 228,218 total reads

 228,218 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 289,903 total reads

 289,903 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 333,329 total reads

 333,329 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PERSISTENCE

 5,190 total reads

 5,190 total reads Gospel Reading for November 14, 2026 – Luke 18: 1-8 PERSISTENCE Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to

Read More »

EMBRACE

 3,156 total reads

 3,156 total reads Gospel Reading for November 13, 2026 – Luke 17: 26-37 EMBRACE Jesus said to his disciples: “As it was in the days of

Read More »

OUR ONLY CHANCE

 3,198 total reads

 3,198 total reads Gospel Reading for November 12, 2026 – Luke 17: 20-25 OUR ONLY CHANCE Asked by the Pharisees when the Kingdom of God would

Read More »

DEEP SENSE OF GRATITUDE

 22,956 total reads

 22,956 total reads Gospel Reading for November 11, 2026 – Luke 17: 11-19 DEEP SENSE OF GRATITUDE As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled

Read More »
Scroll to Top