16,109 total views
Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng kapistahan ngayong taon dahil ang December 8 ay nataon sa ikawalang Linggo ng Adbiyento.
“We enjoin our pastors to encourage their parishioners to participate in the
celebration of the Eucharist on the Solemnity of the Immaculate Conception and catechize our people with the utmost pastoral sensitivity and concern,” pahayag ni Bishop Antonio.
Nilinaw ng obispo ang naunang inilabas na panuntunan ng CBCP na kapwa magagampanan ng mananamapalataya ang holy day of obligation sa pagdalo ng misa sa December 8 bilang Araw ng Linggo at Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion.
“Kindly disregard the liturgical notes published in our Philippine Ordo 2025 regarding this matter so that we will be in communion with the interpretation of the Holy See,” ani Bishop Antonio.
Pinagbatayan ng CBCP ang liham ng Dicastery on Legislative Texts na ipinadala sa Committee on Canonical Affairs and Church Governance ng United States Conference of Catholic Bishops kaugnay sa paglilipat ng dakilang kapistahan sa araw ng Lunes, December 9.
Binigyang diin ng Vatican ang isinasaad sa Canon Law (Can. 1246) kung saan dapat ipagdiriwang ang dakilang kapistahan sa araw na inililipat ang petsa.
Paliwanag ng dicastery na batay sa alituntunin sa Catechism
of the Catholic Church (n. 2181) bilang mga binyagan ay tungkulin ang pagdalo ng Banal na Misa lalo na sa Holy Days of Obligation maliban lamang sa ilang kadahilanan tulad ng pagkakasakit.