Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,111 total views

Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya.

Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27 bilang pagdamay sa mga kristiyanong nakararanas ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Aniya ang pagpapailaw ng kulay pula ay tanda ng pagparangal at pag-alala lalo na sa mga nasawing kristiyano.

“Let us remember our persecuted Christians worldwide. I invite the schools to light the facade of the schools with red, to light the facade of churches with red and at home please put out a red vigil light outside your door. It is a symbolic gesture of our communion to our suffering brothers and sisters in many different parts of the world,” paanayaya ni Archbishop Villegas.

Ibinahagi ng arsobispo ang personal encounter nito sa naulilang Nigerian national dahil sa pang-uusig kung saan malugod na tinanggap ang sinapit ng pamilya at itinuring na pagyakap sa krus ni Hesus at umaasang nakikidalamhati at nakikiisa ang buong mundo sa sinapit ng mga biktima ng karahasan.

Binigyang diin ni Archbishop Villegas na ang taunang Red Wednesday campaign ay tanda ng pakikiisa sa mga biktima ng christian persecution at panalangin sa mga lugar na patuloy nahaharap sa banta ng panganib at karahasan dahil sa pananampalataya.

Tema ng Red Wednesday ngayong taon ang ‘One in Suffering, One in Consolation’ kung saan pangungunahan ni Archbishop Villegas ang pagdiriwang sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag na magsisimula sa alas kuwatro ng hapon sa pagdarasal ng santo rosaryo na susundan ng Banal na Misa, pagsisindi ng kandila at pagpapailaw ng pula sa harapan ng simbahan.

Unang lumahok ang Pilipinas sa Red Wednesday noong 2017 kung saan 82 ecclesiastical territories, churches at universities ang nakibahagi.

January 2020 nang pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pakikibahagi ng bansa sa taunang pagdiriwang ng Pontifical Foundation para sa mga persecuted Christians.

Sa datos ng Open Doors nasa 317 milyong kristiyano ang nahaharap sa matinding banta ng karahasan sa 50 mga bansa, isa sa bawat pitong kristiyano ang inuusig sa buong mundo kung saan sa Asya naitala naman ang dalawa sa bawat limang kristiyano ang inuusig.

Halos limang libong kristiyano ang pinaslang, nasa 14, 766 simbahan at christian facilities ang sinira habang 4, 125 naman ang mga kristiyanong ikinulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 59,234 total views

 59,234 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 82,393 total views

 82,393 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 103,667 total views

 103,667 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 270,282 total views

 270,282 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top