159 total views
Nakshanda na ang Filipino Community sa Roma sa kauna-unahang pagdiriwang ng isang Barrio Fiesta sa ika-30 ng Abril 2017.
Sa panayam kay Sr. Elizabeth Padernal of the Missionary Sisters of St. Charles Borromeo, sa Programang Veritas Pilipinas, inihayag nito na ang Barrio Fiesta ay pagpapakita ng integrasyon ng kulturang at pananampalatayang Filipino sa mga italyano at iba pang lahi sa Italya.
Itatampok sa pagdiriwang ang makulay na kultura ng Pilipinas tulad ng mga katutubong awit at sayaw.
“Tinatampok natin ang ating kultura, pananampalataya, magkakaroon tayo ng iba’t ibang mga gawain, banal na misa, prusisyon, mga Pilipinong Sayaw, awitin, battle of the bands at street dancing, iba’t ibang aktibidad at inaayos po natin.” Bahagi ng pahayag ni Sr. Padernal.
Pinangungunahan ng grupong Centro Filipino ang paghahanda sa Barrio Fiesta at inaasahan itong lalahokan ng may 25,000 Filipino na registered voters sa Roma.
Samantala, sa pinakahuling tala, aabot sa 90,000 ang mga Filipinong rehistrado at naninirahan sa buong Italya.