Kauna-unahang tindahan sa Barangay, bubuksan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total views

Mas pinalalawak ng Caritas Manila Segunda Mana ang mga proyektong makatutulong tustusan ang pangangailangan ng mga kabataang iskolar ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

Ito ay bilang tugon ng Simbahan sa tumataas na antas ng karukhaan sa Pilipinas kaya’t pinalalakas ang pagtulong sa mga kabataan na makamit ang kuwalidad na edukasyon.

Iginigiit ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas na ang edukasyon ang susi ng tagumpay ng isang tao.

Dahil dito, bubuksan ang ika-33 Segunda Mana outlet sa ika – 1 ng Pebrero sa Kasiglahan Phase 1, Montalban Rizal, o mas kilalang Erap City na isang komunidad ng mga informal settler.

Ayon kay Barry Camique, Program Director ng Segunda Mana, ito ang kauna-unahang community based outlet na layong mabigyang oportunidad ang mahigit 10, 000 naninirahan sa lugar na magkaroon ng hanapbuhay.

“Ang kinuha kong espasyo d’yan community based store o parang tindahan sa barangay,” pahayag ni Camique sa Radio Veritas.

Ang mga ibinebenta sa Segunda Mana outlet ay pawang mga donasyong gamit mula sa mga organisasyon, Simbahan, kumpanya at mga kilalang personalidad na mabibili ng mamamayan sa abot kayang halaga.

Tiniyak ni Camique na hindi lalagpas ng dalawang daang piso ang halaga ng mabibiling gamit sa kauna-unahang community based outlet.

Kaugnay dito inaanyayahan ng Segunda Mana ang mamamayan na tangkilikin ang mga produktong mabibili dito upang matustusan ang pangangailangan ng 5, 000 iskolar ng Youth Servant Leadership Program o YSLEP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 68,684 total views

 68,684 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 90,794 total views

 90,794 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 166,273 total views

 166,273 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 165,251 total views

 165,251 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top