Pagkakaisa at paninindigan ng mamamayan sa katotohanan,katarungan at kapayapaan, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total views

Nagpahayag ng kagalakan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity sa pakikiisa ng iba’t- ibang sektor ng lipunan at denominasyon ng Simbahan sa naganap na malawakang pagtitipon para sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan at kapayapaan.

Ayon sa Obispo, ang aktibong pakikiisa ng mga dumalo sa naganap na One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace ay tanda na unti-unti nang nawawala ang takot ng mga mamamayan at kanilang kahandaan upang sama-samang manindigan laban sa mga pang-aabuso at maling nagaganap sa bansa.

Inihayag ni Bishop Pabillo na magandang opurtunidad ang pambihirang pagsasama-sama ng mga pari, madre, seminarista, layko, mga kinatawan mula sa iba’t ibang denominasyon ng Simbahan upang ipahayag sa mga opisyal ng bansa ang paninindigan at panawagan para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan.

“Maganda pong tingnan na marami na galing sa iba’t ibang mga lugar at iba’t-ibang mga denominasyon, mga madre, mga pari, mga seminarista, mga layko na nagkaisa tayo dito sa pagpapahayag ng ating boses, ito’y magandang maramdaman na ngayon nawawala na ang takot ng mga tao na handa na silang manindigan at magsama-samang magsalita at sobra na itong pang-aabuso sa atin…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Layunin ng naganap na One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace sa Rajah Sulayman Plaza, Malate, Manila na ipahayag ang pagkakaisa ng iba’t-ibang sektor, relihiyon at denominasyon na mayroong iisang panawagan na bigyang paggalang ang batas, pahalagahan ang buhay, igalang ang pananampalataya ng bawat isa, wakasan na ang karahasan at bigyang solusyon ang kahirapan.

Ang naganap na pagtitipon ay kasabay ng paggunita sa Bible Month at Week of Prayer for Christian Unity na pingunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Council of Churches in the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,685 total views

 41,685 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,837 total views

 64,837 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 134,951 total views

 134,951 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,565 total views

 209,565 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 286,566 total views

 286,566 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 6,372 total views

 6,372 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top