VeritasPH

The Word, The Truth

Archbishop Palma, hinimok ang mga mananampalataya na patatagin ang debosyon

SHARE THE TRUTH

 136 total views

Hinimok ng Arsobispo ng Cebu ang mananampalataya na higit palakasin ang pagdedebosyon dahil makatutulong ito sa pagpapatibay ng pananampalataya.

Tinukoy ni Archbishop Jose Palma na ang mga debosyon tulad ng Divine Mercy ang isa sa nagbibigay sigla at lakas sa buhay pananampalataya ng bawat indibidwal.

“Palakasin, pasiglahin at ipagpatuloy natin kung maari [debosyon] dahil ito yung nagpapalakas, nagpapasigla sa ating pananampalataya,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Naniniwala ang Arsobispo na ang pananamlay ng pananampalataya sa mga bansa sa Europa ay dahil mahina ang pagdedebosyon ng mga mananampalataya sa Panginoon.

SUPORTAHAN ANG KABATAAN
Kaugnay dito, hinimok ni Archbishop Palma ang mamamayan na tulungan ang mga kabataan at gabayan sa kanilang paglalakbay upang mahubog sa kabutihan at maging katuwang sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahang Katolika.

“Sa ating journey, sa ating pagsama sa kanila, sa ating paglakbay sa buhay, binibigyan natin ng diin ang anggulo ng pananampalataya at umaasa tayo na hindi masayang pero ma-channel sa tamang direksyon ang ating young people,” dagdag ni Archbishop Palma.

Sa katatapos na ikaapat na Philippine Apostolic Congress on Mercy na ginanap sa Filoil Flying V Center sa lungsod ng San Juan noong ika – 24 hanggang ika – 26 ng Enero, nakatuon ang tema nito sa kabataan, “Divine Mercy: In Communion with the Young” bilang pakikiisa sa Simbahang Katolika ng Pilipinas sa pagdiriwang ng Taon ng mga Kabataan.

Sinabi ni Archbishop Palma na ito ay pagpapakita na ang ating mga kabataan ay bahagi ng ating Simbahan at may malaking gampanin sa pagpapalago ng pananampalataya.

MGA KILALANG DEBOSYON SA PILIPINAS
Ilan sa mga debosyon sa bansa ang Divine Mercy, Santo Niño sa Cebu, Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa Bicol at sa Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Quiapo Maynila.

Taong 1983 ng inorganisa ni Bro. Renato Fider ang Divine Mercy prayer group sa Immaculate Conception Parish sa Cubao Quezon City, ika – 16 ng Hunyo 1985 nang isinahimpapawid sa kauna-unahang pagkakataon ang Divine Mercy Prayer tuwing ikatlo ng hapon o mas kilalang 3’O Clock Habit habang naganap naman ang unang Divine Mercy Convention noong ika – 3 hanggang ika – 4 ng Agosto 1985 sa College of the Holy Spirit sa Mendiola.
Sa pagtitipon ng mga deboto ng Banal na Awa noong nakalipas na linggo umabot sa higit tatlong libong deboto ang nakiisa mula sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa Pilipinas.

Batay naman sa kasaysayan ang Santo Niño sa Cebu ay ipinagkaloob ni Ferdinand de Magallanes kay Hara Amihan noong 1521 nang dumaon ito sa lalawigan ng Cebu at ipinalaganap ang Kristiyanismo.

Mula 1521 lumaganap ang debosyon ng Santo Niño sa bansa na nakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Kapistahan tuwing Enero kasabay ng Sinulog Festival na sinimulan noong 1980 bilang pagpupugay sa Batang Hesus.

Ang debosyon ng mga Filipino sa Our Lady of Peñafrancia ay nagsimula noong 1712 sa rehiyon ng Bicol nang gumaling sa malubhang karamdaman si Miguel Robles de Covarrubias sa tulong ng pananalangin sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia.

Samantala ang Mahal na Poong Hesus Nazareno naman na dumating sa Pilipinas noong 1606 dala ng mga misyonerong Rekoleto ay ginugunita ng mga deboto ang taunang Traslacion tuwing ika – 9 ng Enero.

Ang paglipat ng imahe mula sa Simbahan ng San Nicolas de Tolentino sa Intramuros patungong Simbahan ng Quiapo noong 1787.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 699 total views

 699 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,685 total views

 16,685 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,730 total views

 24,730 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,810 total views

 29,810 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,516 total views

 35,516 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 3,003 total views

 3,003 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 3,011 total views

 3,011 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 3,563 total views

 3,563 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 3,595 total views

 3,595 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 4,637 total views

 4,637 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 4,778 total views

 4,778 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 4,785 total views

 4,785 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 5,089 total views

 5,089 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 7,468 total views

 7,468 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 7,984 total views

 7,984 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 8,699 total views

 8,699 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 11,537 total views

 11,537 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 13,321 total views

 13,321 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 13,883 total views

 13,883 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

 13,580 total views

 13,580 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga. Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top