Kauna-unahang tindahan sa Barangay, bubuksan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Mas pinalalawak ng Caritas Manila Segunda Mana ang mga proyektong makatutulong tustusan ang pangangailangan ng mga kabataang iskolar ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

Ito ay bilang tugon ng Simbahan sa tumataas na antas ng karukhaan sa Pilipinas kaya’t pinalalakas ang pagtulong sa mga kabataan na makamit ang kuwalidad na edukasyon.

Iginigiit ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas na ang edukasyon ang susi ng tagumpay ng isang tao.

Dahil dito, bubuksan ang ika-33 Segunda Mana outlet sa ika – 1 ng Pebrero sa Kasiglahan Phase 1, Montalban Rizal, o mas kilalang Erap City na isang komunidad ng mga informal settler.

Ayon kay Barry Camique, Program Director ng Segunda Mana, ito ang kauna-unahang community based outlet na layong mabigyang oportunidad ang mahigit 10, 000 naninirahan sa lugar na magkaroon ng hanapbuhay.

“Ang kinuha kong espasyo d’yan community based store o parang tindahan sa barangay,” pahayag ni Camique sa Radio Veritas.

Ang mga ibinebenta sa Segunda Mana outlet ay pawang mga donasyong gamit mula sa mga organisasyon, Simbahan, kumpanya at mga kilalang personalidad na mabibili ng mamamayan sa abot kayang halaga.

Tiniyak ni Camique na hindi lalagpas ng dalawang daang piso ang halaga ng mabibiling gamit sa kauna-unahang community based outlet.

Kaugnay dito inaanyayahan ng Segunda Mana ang mamamayan na tangkilikin ang mga produktong mabibili dito upang matustusan ang pangangailangan ng 5, 000 iskolar ng Youth Servant Leadership Program o YSLEP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 29,801 total reads

 29,801 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 137,753 total reads

 137,753 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 182,423 total reads

 182,423 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 204,629 total reads

 204,629 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 240,262 total reads

 240,262 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top