Klase sa Catholic schools sa Albay, sinuspendi sa EDSA @40 anniversary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,977 total views

Sinuspinde ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang klase sa lahat ng mga Catholic schools sa probinsya ng Albay sa darating na Pebrero 25, 2026 bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa sirkular ni Bishop Baylon, ang pansamantalang pagsususpendi sa klase sa lahat ng mga Katolikong paaralan sa probinsya ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mag-aaral, mga guro, at mga kawani ng paaralan na makiisa sa paggunita ng anibersaryo ng tinaguriang ‘bloodless revolution’.

Nasasaad din sa sirkular ni Bishop Baylon ang mga nakahanay na gawain para sa pagbabalik tanaw sa EDSA People Power Revolution katuwang ang Catholic Educational Association of Legazpi (CEAL), Diocesan Commission on Youth (DCY), at Diocesan Commission on Social Concerns (DCS), gayundin ang Social Action Center (SAC) ng Diyosesis ng Legazpi.

“In remembrance of the 40th Anniversary of the EDSA People Power Revolution, the Diocese of Legazpi, through the Catholic Educational Association of Legazpi (CEAL), the Diocesan Commission on Youth (DCY), and the Diocesan Commission on Social Concerns (DCS) and Social Action Center (SAC), will hold a commemorative activity on February 25, 2026. In view of this celebration, I hereby declare the suspension of classes on that day in all Catholic schools in the Province of Albay in order to allow students, faculty, and staff to actively participate in the scheduled activities.” Bahagi ng sirkular ni Bishop Baylon.

Pagbabahagi ng Obispo na siya ring vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bahagi ng pagdiriwang ng Diyosesis ng Legazpi ang pagsasagawa ng March of Heroes, kung saan gaganap ang mga mag-aaral bilang mga bayani ng kasaysayan ng Pilipinas, mga bayani ng EDSA People Power Revolution, at mga makabagong bayaning Pilipino na patuloy na naglilingkod sa bansa sa kasalukuyang panahon.

Paliwanag ni Bishop Baylon, layunin ng paggunita ng diyosesis sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na ipahayag ang pasasalamat sa kalayaan at patatagin ang pananagutan ng bawat isa, lalo na ng mga kabataan na ipasa sa susunod na henerasyon ang katotohanan at pambihirang diwa ng kasaysayan ng EDSA People Power Revolution.

“The March of Heroes is envisioned as a solemn expression of gratitude for the gift of freedom, democracy, and moral courage that marked the historic events of 1986. During the march, students will come in costume representing heroes of Philippine history, heroes of the EDSA People Power Revolution, and contemporary Filipino heroes who continue to serve the nation today. Through this symbolic procession, we seek to pass on to the younger generation the truth and enduring meaning of EDSA, so that its values may continue to shape our people and our future.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Nakatakdang magsimula ang gawain ng Diyosesis ng Legazpi na tinaguriang ‘March of Heroes – EDSA People Power 40th Anniversary’ sa pamamagitan ng pagtitipon sa Saint Agnes Academy ganap na alas-sais ng umaga na susundan ng March of Heroes ganap na alas-syete ng umaga kung saan magmamatya ang mga kabataang mag-aaral mula sa Saint Agnes Academy patungo sa Albay Cathedral.

Inaasahan namang pangungunahan ni Bishop Baylon ang pagdiriwang ng banal na misa ganap na alas-otso ng umaga, bago ang nakatakdang programa sa Albay Astrodome na magsisimula ganap na alas-nuebe ng umaga.

Ayon kay Bishop Baylon, sa pamamagitan ng mga nakahanay na gawaing ay umaasa ang diyosesis na hindi lamang alalahanin ang isang makasaysayang tagumpay ng mapayapang pagkilos, kundi itanim din sa puso ng mga kabataang mag-aaral ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at pananagutan para sa bayan na napapanahon pa ring diwa ng EDSA People Power Revolution magpahanggang sa ngayon.

“May the memory of EDSA continue to inspire our schools and communities to form young people who are courageous, morally grounded, and committed to the common good.” Ayon pa kay Bishop Baylon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 82,583 total views

 82,583 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 104,693 total views

 104,693 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 179,765 total views

 179,765 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 177,576 total views

 177,576 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top