Pagkakaisa at pagtutulungan ng kristiyano at muslim, biyaya ng magkasunod na simula ng kuwaresma at ramadan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,349 total views

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission for Inter-Religious Dialogue, biyaya ang pagkakataon na kapwa panahon ng higit na pagninilay, pagdarasal, at sakripisyo para sa mga Kristiyano at Muslim sa buong mundo.

Pagbabahagi pa ng Obispo na siya ring Co-president ng Pax Christi International, ang sabayang pagdiriwang ay hindi lamang isang pagkakataon kundi isang paanyaya ng Diyos para sa mas malalim na pagkakaisa at pagtutulungan.

“Nagkataon ngayong 2026 ay [halos] magkasabay ang selebrasyon ng mahalagang aspekto ng ating pananampalatayang Kristyano at pananampalatayang ating mga kapatid sa Islam. We will be starting the season of Lent [through] Ash Wednesday and also the beginning of Ramadan, yung one month fasting and prayer ng ating mga kapatid na Islam. Kaya ang aming spiritual discernment dito ay grasya sa ito galing sa Diyos na nagkataon magkasabay tayo at nagkataon din na dahil magkasabay tayo ay panahon na siguro nating tingnan kung paano tayo magtulungan at paano tayo magkaisa sa maraming mga bagay.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, mahalaga ang pagtugon ng bawat isa panawagan na pagkakaisa hindi lamang sa puso at damdamin kundi sa iisang hangarin para sa bayan.

Ayon sa Obispo, ito rin ang mensahe ng napiling tema ng CBCP-Episcopal Commission for Inter-Religious Dialogue na ‘Hands Together, Hearts United’ para sa kauna-unahan nitong Forum on Interfaith Common Action na panawagan sa sama-samang pagtugon sa pangangailangan ng kapwa.

Hinikayat naman ni Bishop Bagaforo ang lahat na gawing panahon ng pagbabalik-loob ang Kwaresma at ang Banal na Buwan ng Ramadan na isang panahon ng pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos at pamumuhay nang matuwid at tapat sa Kanyang mga utos.

“Kaya nga, napili namin tema dito ‘Hands Together, Hearts United’ Sama-sama sagutin natin ang mga pangangailangan natin bilang mga magkakapatid dito sa balat ng lupa. Pero magkaisa yung ating puso, yung ating damdamin, magkaisa yung ating hangarin. Matanggap natin ang patawad ng Diyos sa ating mga kasalanan at magkaroon tayo ng bagong buhay na matuwid at tapat sa mga utos ng Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Umaasa rin si Bishop Bagaforo na ang sabayang pagdiriwang ay magbunga ng mas maayos at mapayapang ugnayan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim tulad ng mga magkakapatid hindi lamang sa lipunan kundi maging sa mata ng Diyos.

“Sana naman magbunga ito muling harmonious relationship between Islam at mga Kristiyano. At higit sa lahat, sana itong grasya ng Diyos na magkasabay ang ating selebrasyon ay maging panawagan na hindi tayo magkakalayo. Lahat tayo ay anak ng Diyos. At lahat tayo ay makakapatid. Kaya dapat ay magmahalan tayo.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Giit ng Obispo, sa gitna ng iba’t ibang mga hamon ng panahon ay nananatili ang malinaw na mensahe ng Simbahan na panawagan sa lahat para sa pananalangin, pag-aayuno, at pagkakawanggawa na kapwa diwa ng Kuwaresma at Ramadan na maituturin ding tulay tungo sa tunay na kapayapaan at pagkakapatiran sa lipunan.

Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,225 total views

 7,225 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,230 total views

 35,230 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 53,030 total views

 53,030 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,735 total views

 52,735 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,872 total views

 164,872 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,356 total views

 15,356 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top