Mga Pilipino, hinimok na makiisa sa Fast2Feed 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,779 total reads

Inaanyayahan ng Pondo ng Pinoy ang mga Pilipino na makiisa sa ‘Fast2Feed Campaign’ ngayong 2026 ngayong Kuwaresma.

Ito ay upang patuloy na mapakain ang mga batang benepisyaryo sa mga Integrated Nutrition Program at malabanan ang malnutrisyon.

Sa pamamagitan ng paglalaan ng kinse peso kada araw sa loob 120-araw o mahigit anim na buwan ay maaring makapag-ipon ng 1,800-pesos na ibabahagi sa Pondo ng Pinoy.

“Anumang matitipid mo mula sa pag-aayuno ngayong Kuwaresma ay maaari mong ihandog sa Pondo ng Pinoy upang makatulong sa pangmatagalang pagbabago sa buhay ng mga kabataan at komunidad,” ayon sa mensahe ng Pondo ng Pinoy.

Katuwan ng Institusyon ang Assisi Foundation na layuning din makapagbigay ng sapat na oportunidad sa mga batang benepisyaryo.

Ito ay upang labanan ang stunting o pagkabansot at malnutrisyon kung saan sa pamamagitan ng pagkamit ng mga kinakailangang pagkain o bitamina ng kanilang katawan ay nagiging maayos ang kanilang paglaki.

“Ang Pondo ng Pinoy at Assisi ay nangangarap ng ganap na buhay, lalo na para sa mga batang mula sa mahihirap at laylayan na komunidad. Sa kasamaang-palad, patuloy pa ring suliranin ang gutom at malnutrisyon, lalo na sa mga bata. Sa pamamagitan ng inyong patuloy na suporta sa FAST2FEED, makapagbibigay tayo ng masustansyang pagkain upang mabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng maayos na kalusugan, tamang paglaki, at ganap na pakikilahok sa lipunan,” ayon pa sa mensahe ng Pondo ng Pinoy.

Kaugnay ng paglaban sa Malnutrisyon, una ng naitala ng Caritas Manila na higit na sa 75-libong bata ang natulungang makaahon mula sa mga suliraning dulot ng malnutrisyoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,801 total reads

 54,801 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,214 total reads

 134,214 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,659 total reads

 167,659 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,957 total reads

 202,957 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,292 total reads

 427,292 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top