“The truth is our moral duty”- Radyo Veritas sa EDSA @40

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,308 total reads

Mariing naninindigan ang Radyo Veritas na hindi maaaring manahimik ang media sa harap ng patuloy na paglaganap ng kasinungalingan,misinformation at fake news sa lipunan.

Ito ang binigyang-diin ng himpilan kaugnay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.

“In this context, neutrality cannot mean silence in the face of lies, misinformation, and fake news,” pahayag ng Radyo Veritas.

Ayon sa himpilan, makalipas ang apat na dekada mula nang magtipon ang milyun-milyong Pilipino sa EDSA upang labanan ang diktadurya ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nagbago man ang anyo ng laban para sa katotohanan ay nananatili ang pangangailangang ipagtanggol ang demokrasya.

“The battlefield has changed, yet the urgency remains,” pagbibigay diin ng Radyo ng Simbahan Ipinaliwanag ng Radyo Veritas na kung noong panahon ng People Power ay lantad ang censorship at panunupil, sa kasalukuyan ay mas nagiging komplikado ang mga hamon dahil sa pag-usbong ng digital echo chambers, agresibong online campaigns, at manipulasyon sa social media na nagbabaluktot sa pananaw at pag-unawa ng publiko.

Binigyang-diin din ng himpilan ang pangamba sa historical revisionism o pagtatangkang baguhin at pahinain ang naratibo ng EDSA.

“We witness attempts to reframe the EDSA narrative—not as a moral victory for the Filipino people, but as an event to be minimized or twisted for political gain,” ayon pa sa pahayag.

Iginiit ng Radyo Veritas na ang katotohanan ay hindi lamang usapin ng propesyon kundi isang moral na pananagutan na kaakibat ng misyon ng Simbahan.

“We see truth as a moral duty, not merely a professional obligation,” saad ng himpilan.

Sa gitna ng tinawag na “era of viral misinformation and monetized outrage,” nilinaw ng Radyo Veritas na ang katotohanan ay hindi nasusukat sa dami ng likes, shares, o ingay sa social media.

“In an era of viral misinformation and monetized outrage, we believe truth is defined by verification and integrity, not popularity or noise,” dagdag pa ng pahayag.

Muling pinagtibay ng himpilan ang mga kongkretong hakbang upang pangalagaan ang demokrasya kabilang ang pagtutok sa responsable at etikal na pamamahayag, pananatiling malaya sa anumang political pressure, at patuloy na pagtatanggol sa transparency at accountability.

“Combat fake news with responsible and ethical journalism; remain independent amid political pressures; and uphold democratic institutions through transparency and accountability,” bahagi ng commitment ng himpilan.

Muling tiniyak ng Radyo Veritas ang patuloy nitong misyon para sa sambayanang Pilipino.

“Radio Veritas is committed to being the voice of truth, faith, and the Filipino people,” giit ng himpilan.

Hinimok din ng Radyo ng Simbahan ang publiko na manatiling mapagbantay at aktibong makibahagi sa pagtataguyod ng katotohanan, kalayaan, at pananagutan para sa susunod na henerasyon.

“May the spirit of EDSA inspire us to continue protecting truth, accountability, and freedom for future generations,” pagbibigay diin ng Radyo Veritas.

Sa kasaysayan, sa Radyo Veritas sumahimpapawid ang panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na magkaisa ang mga Pilipino sa EDSA upang tutulan ang halos dalawang dekadang pag-iral ng batas militar na isang mahalagang sandali na nagbunsod sa muling pagbangon ng demokrasya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 124,209 total reads

 124,209 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 155,939 total reads

 155,939 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 257,766 total reads

 257,766 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 298,323 total reads

 298,323 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 313,644 total reads

 313,644 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top