Obispo sa mga Kongresista, “Authority is never self-generated”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,818 total views

Binigyang-diin ng Obispo ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng pananampalataya, integridad, at pagtutulungan sa pampublikong paglilingkod.

Ito ang sentro ng homiliya ni Tandag Bishop Bishop Raul Dael sa misang ginanap sa House of Representatives kasabay ng paggunita ng Ash Wednesday, hudyat ng pagsisimula ng 40 araw na Kuwaresma bilang paghahanda sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus.

“We came here because we believe that faith and governance are not enemies, that moral conviction can strengthen our service, that awareness of God’s presence unifies systems, that prayer and inspire. Imagine what could happen if this house truly worked together beyond divisions, beyond personal interests, committed to gradually eradicating corruption, patiently reducing poverty, and consistently promoting the common good,” ayon kay Bishop Dael na aniya sa kabila ng layo ng kanilang pinanggalingan at dami ng trabaho sa diyoseis ay nagtungo sa Kamara para magmisa bilang paggunita sa Ash Wednesday.

Ipinaalala ng Obispo na sa panahong ito, hinikayat ang bawat isa sa pananalangin, pag-aayuno, at pangingilin bilang paraan ng pagpapanibago at pagpapalalim ng pananampalataya.

Binigyang-diin ni Bishop Dael na ang tunay na pagbabago sa lipunan ay nagsisimula sa pagkakaisa ng mga lider ng Simbahan at pamahalaan sa katapatan at malasakit.

Ayon sa kaniya, ang katiwalian ay hindi kailangang maging kapalaran, at ang kahirapan ay hindi nakatakdang maging permanente sa sambayanang Pilipino.

Pinaalalahanan din niya ang mga mambabatas na ang Kapulungan ay higit pa sa isang lugar ng debate, kundi bilang sagradong lugar kung saan naririnig ang daing ng mga mahihirap, bata, matatanda, at mga pamilyang nahihirapan.

Ayon sa Obispo, naroroon ang taumbayan sa tinig ng bawat mambabatas na kanilang kinakatawan.

“They are here in your voices. You are their representatives. They are here in your voice. This House is not merely a place for debate or legislative procedure. It is a sacred space, and within these walls, the cries of the people and the groaning of creation rise and await a response. And that is why compassion matters so deeply here,” ayon sa homiliya ng obispo.

Ipinunto pa ni Bishop Dael na ang politika ay isang bokasyon—isang tawag mula sa Diyos upang maglingkod para sa kabutihan ng nakararami. Kapag isinabuhay nang may kababaang-loob at dedikasyon, ang pampublikong tanggapan ay nagiging sakripisyo at kawanggawa para sa buong bansa.

Dagdag pa ni Bishop Dael, “In a profound sense, our elected servants are ambassadors of their people. Yes, but also ambassadors in conscience, of something greater than themselves, truth, justice, and the common good. Pope Francis once said that politics, although often denigrated, remains a lofty, a noble vocation and one of the highest forms of charity. It is not simply professional. It is a vocation.”

Pinuna ng Obispo ang malawakang korapsyon, na hindi lamang paglabag sa batas kundi espiritwal na pagkabulok, na nananakaw sa silid-aralan, ospital, at serbisyong panlipunan, at sumisira sa tiwala ng taumbayan. Binigyang-diin niya na ang Kuwaresma ay panahon ng pagsusuri ng budhi at paninindigan, at hindi lamang pagpapakita ng imahe.

Tinapos ni Bishop Dael ang kanyang homiliya sa hamon sa lahat ng miyembro ng Kapulungan na maging halimbawa ng malasakit, integridad, at pananagutan.

Hinimok niya ang lahat na manatiling bokasyon ang paglilingkod—isang tawag mula sa Diyos para sa kapakanan ng bayan.

“To the members of the House, leadership is never solitary. Authority is never self-generated. You lead because many support you. You stand because many people are at your back and a pole. And when that support is generous, patient, and faithful, it becomes a moral responsibility to lead with equal generosity, humility, and vigor. This obedience should deepen gratitude and gratitude should shape behavior,” ayon kay Bishop Dael.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 14,676 total views

 14,676 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 188,610 total views

 188,610 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 166,243 total views

 166,243 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 229,927 total views

 229,927 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 248,671 total views

 248,671 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top