Klase sa Catholic schools sa Albay, sinuspendi sa EDSA @40 anniversary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,297 total reads

Sinuspinde ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang klase sa lahat ng mga Catholic schools sa probinsya ng Albay sa darating na Pebrero 25, 2026 bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa sirkular ni Bishop Baylon, ang pansamantalang pagsususpendi sa klase sa lahat ng mga Katolikong paaralan sa probinsya ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mag-aaral, mga guro, at mga kawani ng paaralan na makiisa sa paggunita ng anibersaryo ng tinaguriang ‘bloodless revolution’.

Nasasaad din sa sirkular ni Bishop Baylon ang mga nakahanay na gawain para sa pagbabalik tanaw sa EDSA People Power Revolution katuwang ang Catholic Educational Association of Legazpi (CEAL), Diocesan Commission on Youth (DCY), at Diocesan Commission on Social Concerns (DCS), gayundin ang Social Action Center (SAC) ng Diyosesis ng Legazpi.

“In remembrance of the 40th Anniversary of the EDSA People Power Revolution, the Diocese of Legazpi, through the Catholic Educational Association of Legazpi (CEAL), the Diocesan Commission on Youth (DCY), and the Diocesan Commission on Social Concerns (DCS) and Social Action Center (SAC), will hold a commemorative activity on February 25, 2026. In view of this celebration, I hereby declare the suspension of classes on that day in all Catholic schools in the Province of Albay in order to allow students, faculty, and staff to actively participate in the scheduled activities.” Bahagi ng sirkular ni Bishop Baylon.

Pagbabahagi ng Obispo na siya ring vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bahagi ng pagdiriwang ng Diyosesis ng Legazpi ang pagsasagawa ng March of Heroes, kung saan gaganap ang mga mag-aaral bilang mga bayani ng kasaysayan ng Pilipinas, mga bayani ng EDSA People Power Revolution, at mga makabagong bayaning Pilipino na patuloy na naglilingkod sa bansa sa kasalukuyang panahon.

Paliwanag ni Bishop Baylon, layunin ng paggunita ng diyosesis sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na ipahayag ang pasasalamat sa kalayaan at patatagin ang pananagutan ng bawat isa, lalo na ng mga kabataan na ipasa sa susunod na henerasyon ang katotohanan at pambihirang diwa ng kasaysayan ng EDSA People Power Revolution.

“The March of Heroes is envisioned as a solemn expression of gratitude for the gift of freedom, democracy, and moral courage that marked the historic events of 1986. During the march, students will come in costume representing heroes of Philippine history, heroes of the EDSA People Power Revolution, and contemporary Filipino heroes who continue to serve the nation today. Through this symbolic procession, we seek to pass on to the younger generation the truth and enduring meaning of EDSA, so that its values may continue to shape our people and our future.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Nakatakdang magsimula ang gawain ng Diyosesis ng Legazpi na tinaguriang ‘March of Heroes – EDSA People Power 40th Anniversary’ sa pamamagitan ng pagtitipon sa Saint Agnes Academy ganap na alas-sais ng umaga na susundan ng March of Heroes ganap na alas-syete ng umaga kung saan magmamatya ang mga kabataang mag-aaral mula sa Saint Agnes Academy patungo sa Albay Cathedral.

Inaasahan namang pangungunahan ni Bishop Baylon ang pagdiriwang ng banal na misa ganap na alas-otso ng umaga, bago ang nakatakdang programa sa Albay Astrodome na magsisimula ganap na alas-nuebe ng umaga.

Ayon kay Bishop Baylon, sa pamamagitan ng mga nakahanay na gawaing ay umaasa ang diyosesis na hindi lamang alalahanin ang isang makasaysayang tagumpay ng mapayapang pagkilos, kundi itanim din sa puso ng mga kabataang mag-aaral ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at pananagutan para sa bayan na napapanahon pa ring diwa ng EDSA People Power Revolution magpahanggang sa ngayon.

“May the memory of EDSA continue to inspire our schools and communities to form young people who are courageous, morally grounded, and committed to the common good.” Ayon pa kay Bishop Baylon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,527 total reads

 20,527 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,109 total reads

 58,109 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,320 total reads

 76,320 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,648 total reads

 160,648 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,048 total reads

 197,048 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,317 total reads

 37,317 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top