KMP, nanawagan sa pamahalaan na ibigay na ang ayuda sa mga apektado ng bagyo.

SHARE THE TRUTH

 605 total views

Umapela ng tulong ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa pamahalaan para sa mga magsasakang naapektuhan ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo.

Ayon kay KMP chairman Danilo Ramos, 10-libong piso kada magsasaka at hanggang sa 15-libong piso namang production subsidy para sa ibang manggagawa sa sektor ng agrikultura ang kakailanganin na tulong pinansyal.

Ikinatwiran ni Danilo na kailangan ito upang matulungan ang sektor at agad makabawi sa produksyon ang mga magsasaka at mangingisda.

“Ayuda ,ibigay na! aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo, Paunlarin ang lokal na production ng pagkain at hindi ang importasyon,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Ramos sa Radio Veritas.

Batay sa mga datos ng Department of Agriculture, umabot sa 3.12-billion pesos ang pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa sektor sa mga lalawigan ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Gitnang Luzon, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas.

Ayon din sa pinakabagong datos ng kagawaran, umaabot na sa 594-million pesos ang pinagsamang pinsala sa agrikultura ng bagyong Maymay at Neneng.

Batay sa datos ng Climate-Resilient Agriculture Office (CRAO), sa pagitan ng mga taong 2010 hanggang 2019 ay umabot sa 290-billion pesos ang pinsalang idinulot ng ibat-ibang uri ng natural na kalamidad katulad ng mga bagyo at lindol sa sektor ng agrikultura.

Unang nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tulungan ang mga mannggagawa sa agrikultura upang matiyak na sapat ang suplay ng pagkain ng bansa higit na ngayong panahon ng pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,926 total views

 79,926 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 90,930 total views

 90,930 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,735 total views

 98,735 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,977 total views

 111,977 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,500 total views

 123,500 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top