Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Komprehensibong programa, kailangan ng mga magsasaka hindi doleout

SHARE THE TRUTH

 242 total views

Ito ang naging pahayag ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez matapos na mapayapang maipamahagi ang dalawang libong sako ng bigas sa mga magsasaka nag–barikada sa Koronadal City, General Santos Highway, South Cotabato.

Gayunman, aminado si Bishop Gutierrez na panandaliang tulong lamang ang bigas na ibinigay ng national government at balik sa gutom na naman ang mga magsasaka dahil sa hindi konkretong pagtatakda ng programa ng national government sa mga apektado ng El Niño.

“No, maliit lang yan it is not enough kaya nga sabi namin nag–usap–usap muna sila. They could have planned ang further distribution sapagkat pagkatapos ano na ang gagawin ng national government, wala na. Magbigay tapos wala na sila at mag–rally na naman ang mga tao,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng Veritas Patrol.

Inihayag ni Bishop Gutierrez ang pangunahing pangangailangan ng mga magbubukid tulad ng binhi at ang tuluyang suplay ng bigas.

“Marami mga seeds, kailangan nila ang mga seeds. They want a comprehensive rehabilitation, tuloy yung pagbigay ng bigas then umuulan na dito in some areas they could start planting. Sa Sarangani, tuloy – tuloy na ‘yung ulan more than one month na so pwede na sila makatanim. While waiting for the harvest the government should help the farmers sa bigas. Siguro parang one year pa na plano ito,” giit pa ni Bishop Gutierrez sa Radyo Veritas.

Batay naman sa pinakhuling datos ng Office of the Provincial Agriculture ng South Cotabato mahigit P156 milyong halaga na ang kabuuang danyos sa mga pananim at hayop ng mga magsasaka roon.

Habang nasa mahigit apat na libong pamilyang magbubukid naman ang apektado na ng matinding tag – tuyot.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,273 total views

 47,273 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,361 total views

 63,361 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,752 total views

 100,752 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,703 total views

 111,703 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 64,778 total views

 64,778 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 90,593 total views

 90,593 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 131,051 total views

 131,051 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top