Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kooperatiba, lumilikha ng yaman sa pamayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,820 total views

Nanatili ang kooperatiba na mabisang paraan upang makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap na miyembro.

Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas, Minister ng Ministry of Cooperatives and Social Enterprise Development ng Archdiocese of Manila o M-C-S-E-D at chairman ng Union of Catholic Church-Based Cooperatives (UCC) sa paggunita sa buwan ng Oktubre bilang National Cooperative Month.

“Atin pong binubuksan ang 2023 cooperative month sa araw na ito naway maging masigla ang kilusang kooperatiba sa Pilipinas, tayo po ay magpalakas ng ating mga negosyo at nakatapat tayo sa mga values and principles of cooperativism sapagkat naniniwala po tayo na cooperative economy ay tunay na inclusive ito ay para sa lahat lalung-lalu na makinabang ang mga mahihirap.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual

Ipinagdarasal ni Fr. Pascual ang patuloy na pag-unlad ng mga kooperatiba na sama-samang pinapayabong ang yaman ng mga miyembro na itinuturing na kamay-ari.

Tiwala din si Father Pascual na mananatiling matatag ang mga kooperatiba sa Pilipinas matapos malagpasan ang pagsubok dulot ng COVID-19 pandemic.

“Ito po ay lumilikha ng yaman para sa pamayanan at para sa mga maliliit kaya’t mabuhay po ang kilusang kooperatiba at nawa patuloy ang kaniyang pag-unlad, dumami ang maging kasapi sa buong Pilipinas lalo na sa ating simbahan na mayroong po tayong nilunsad na MCSED Ministry of Cooperatives and Social Enterprise Development pati ang simbahang magkokooperatiba na ito pong hamon sa atin ni Pope Francis God Bless the Cooperative Movement in the Philippines.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Sa tala ng Cooperative Development Authority noong 2022, umaabot na sa 12-libo ang bilang ng mga rehistradong kooperatiba kung saan umaabot na rin sa 12-milyon ang bilang ng miyembro nito sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 63,577 total views

 63,577 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 131,065 total views

 131,065 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 152,130 total views

 152,130 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 173,445 total views

 173,445 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 205,750 total views

 205,750 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top