Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

1-buwang Synod of Bishops, “a time for prayer and discernment”

SHARE THE TRUTH

 3,627 total views

Ibinahagi ng opisyal ng Pontificio Collegio Filippino na mahalaga ang isasagawang pagtitipon ng mga lider ng simbahan kasama ang Santo Papa Francisco sa Vatican ngayong buwan.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, ito ang pagkakataong pagnilayan ng simbahan ang iba’t ibang usapin ng pamayanan na sama-samang tatalakayin sa patnubay ng Banal na Espiritu.

“Pope Francis desires that the month-long Synod be a time for prayer and discernment, receiving inspiration from the Holy Spirit. It is not just an international meeting making a decision based on their experiences.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Apela ni Fr. Gaston sa lahat ng mananampalataya ang panalangin para sa ikatatagumpay ng pagtitipon lalo’t natatangi ito ngayong taon dahil bukod sa mga obispo, inimbitahan din ang ilang pari, madre at layko para sa Synod on Synodality.

“As the delegates reflect on God’s will for the Church, may we also renew our yearning to learn more about God’s teachings by reading the Bible and reviewing the Catechism.” ani Fr. Gaston.

Bago ang simula ng sinodo sa October 4 ay nagsagawa ng spiritual retreat ang mga dadalo sa pagtitipon mula October 1 hanggang 3 habang nitong September 30 ay ginanap naman sa St. Peter’s Square sa Vatican ang pre-synodal Ecumenical Prayer Vigil #Together2023.

Inaasahang nasa 363 voting members ang dadalo sa sinodo mula sa iba’t ibang Bishops’ Conferences na itinalaga ni Pope Francis habang ang ilang dadalo ay bilang “fraternal delegates,” “spiritual assistants,” o “experts and facilitators.”

Pinangunahan ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang delegasyon ng Pilipinas sa Synod of Bishops on Synodality na magtatapos sa October 29.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,224 total views

 15,224 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,184 total views

 29,184 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,336 total views

 46,336 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,586 total views

 96,586 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,506 total views

 112,506 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 16,880 total views

 16,880 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top