Simbahang Katolika, hindi mananahimik sa kawalan ng pananagutan sa mga katiwalian sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,168 total reads

Nagkaisa ang mga lider ng Simbahang Katolika at mga Evangelical Church sa panawagan ng pananagutan ng mga sangkot sa katiwalian at pag-iral ng katarungang panlipunan sa isinagawang White ribbon march sa EDSA shrine at Edsa people power monument noong ika-28 ng Hunyo, 2026.

Ayon kay Father Joel Saballa, Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, hindi mananahimok ang mga Pilipino lalu na ang mga lingkod ng Simbahan sa panawagang maibalik ang katarungan sa pondong kinamkam ng mga opisyal ng pamahalaan at kasabwat na indibidwal gayundin ng mga kontraktor sa gobyerno.

Iginiit ni Fr. Saballa na kailangang magkaroon ng accountability at maparusahan ang mga tiwaling opisyal upang matigil na ang nakasanayang korapsyon sa pondo ng bayan.
Inihayag ng Pari na ang white ribbon march ay paalala na maraming mga grupo at Pilipino ang humihingi ng accountability sa mga pinuno ng bansa.

“Isang paalala ito sa ating pamalaan sa ating bayan na meron pa rin mga grupo at mga Pilipino nagmamalasakit ukol po sa paghingi ng accountability sa ating mga leader, panagutin natin sila at patuloy tayo pag tayo mapagod na magsalita ukol sa mga usapin ito. Kasi kung titigil tayo, magpapatuloy ang kanilang kahibangan, ang kanilang kasakiman. Ngunit pag tayo patuloy nagsasalita, ay titigil ito sa pamamagitan ng ating pagkakaisa” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Saballa,

Iginiit naman ni Bishop Efraim Tendero, ng Philippine Council for Evangelical Churches na nararapat lamang na patuloy na palakasin ang panawagan sa pamahalaan upang maging maayos ang imbestigasyon sa flood control project scandal at makasuhan ang dapat kasuhan gayundin mapanagot ang dapat managot.
Nanawagan din ang mga lider ng simbahang katolika na manaig ang katarungang nagmumula sa Diyos at sa sambayanang Pilipino upang tuluyang matuldukan ang korapsyon sa bansa.(

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,868 total reads

 1,868 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 59,554 total reads

 59,554 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 120,051 total reads

 120,051 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 139,103 total reads

 139,103 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,756 total reads

 219,756 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 318,778 total reads

 318,778 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 23,213 total reads

 23,213 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »
Scroll to Top