Piliin ang tama kaysa madali, archbishop Uy sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,671 total reads

Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino sa Roma na piliin ang tama kaysa sa madali bilang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng katapatan at paglaban sa katiwalian sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Church of St. Anne sa Vatican, nakiisa ang arsobispo sa White Ribbon Movement sa Pilipinas, na nagsusulong ng katapatan, pananagutan, at katarungan sa pamahalaan.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang ugat ng patuloy na paglaganap ng korapsyon ay ang pagpili ng pansariling kapakinabangan kaysa sa tamang konsensya.
“Choose what is right, not what is easy. When we begin to value convenience over conscience, and shortcuts over integrity, corruption takes root and spreads,” ayon kay Archbishop Uy.

Paliwanag ng arsobispo na taliwas sa diwa ng Ebanghelyo ang pagiging makasarili na nagiging daan sa katiwalian, sapagkat ang bawat Kristiyano ay tinatawagan ng Diyos na mamuhay para sa kapakanan ng kapwa.

“We are all called to become God-centered and others-oriented. Corruption, on the other hand, makes us self-centered,” aniya.
Kasabay ng panawagan para sa mabuting pamamahala, hinimok ng arsobispo ang bawat mamamayan na simulan sa sarili ang pagbabago upang tunay na makamtan ng lipunan ang katiwasayan.
Hinikayat din nito ang bawat isa na maging tapat sa maliliit na pasya sa araw-araw bilang kongkretong pagsasabuhay ng pananampalataya.

“Before a nation changes, hearts must change. Before we ask leaders to do what is right, we must first do what is right ourselves. Every day we make simple choices: Will I tell the truth or tell a lie? Will I be honest even when no one is watching? Will I refuse a bribe, even if it means giving up a luxurious lifestyle? Will I choose Christ over convenience?” dagdag ni Archbishop Uy.

Sinabi pa ni Archbishop Uy na ang kabanalan ay nabubuo sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpili sa tama.

Kinilala ng pastol ang sakripisyo ng mga Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho sa ibayong dagat para sa kanilang pamilya.

Pinuri niya ang kanilang pagsunod sa batas, pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
“You work hard, pay your taxes, obey the laws of this country, and faithfully support your loved ones back home. Without your remittances, the Philippine economy would be seriously affected. You are rightly called our modern heroes,” giit ni Archbishop Uy.

Dahil dito, sinabi ni Archbishop Uy na nararapat lamang na magkaroon ang mga Pilipino ng isang pamahalaang may katapatan at integridad upang mapahalagahan ang bawat sentimong pinagsusumikapan ng mamamayan.

Sa kabila ng umiiral na mga suliranin sa bansa, hinikayat ng arsobispo ang mga Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa sapagkat marami pa ring mamamayan ang patuloy na pinipiling manatiling tapat.

“Yes, there is corruption in our country. But there are also millions of honest Filipinos—including many of you—who quietly choose what right every single day is,” giit ng arsobispo.

Ayon pa kay Archbishop Uy, bawat tapat na pasya at pagtanggi sa pandaraya ay mahalagang ambag sa pagtatatag ng isang makatarungan at maka-Diyos na lipunan.

Hinimok ng arsobispo ang mga mananampalataya na ang pagsusuot ng puting laso ay hindi lamang simbolo ng panalangin para sa mabubuting pinuno kundi paalala ring mamuhay bilang tapat na alagad ni Kristo.
“So as you wear your white ribbon today, let it remind you not only to pray for honest leaders but also to become honest disciples of Christ,” saad ng arsobispo.
Kasalukuyang nasa Roma si Archbishop Uy para sa pagkakaloob ni Pope Leo XIV ng pallium sa mga bagong arsobispo ng simbahan, kung saan sa Pilipinas, bukod kay Archbishop Uy, ay tatanggap din sina Nueva Segovia Archbishop David William Antonio at Cotabato Archbishop Charlie Inzon.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,197 total reads

 1,197 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 58,435 total reads

 58,435 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 118,931 total reads

 118,931 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 138,101 total reads

 138,101 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 218,755 total reads

 218,755 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 317,814 total reads

 317,814 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top