Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, 1 Hunyo 2023, Marko 10:46-52

Kakaiba ang kuwentong ito ng pagpapagaling na ginawa ni Hesus sa bulag na pulubi sa binasa nating ebanghelyo ngayon kay San Marko (Mk 10,46-52). Kakaiba sa naunang kuwento niya tungkol sa isa pang bulag na taga-Bethsaida na pinagaling din. Nasa chapter 8 naman iyon (Tingnan sa Mk 8, 22-26). Ano ang pagkakaiba dito ng kuwento ni Bartimeo doon sa kuwento ng pinagaling na bulag na taga Bethsaida?

Dito may pangalan ang bulag—Bartimeo; doon, wala.

Doon sa chapter 8, dinala ang bulag kay Hesus; dito sa chapter 10, si Bartimeo mismo ang nangulit at kusang lumapit kay Hesus nang ipatawag siya.

Doon sa chapter 8, dinala muna ni Hesus sa ilang na lugar ang bulag at pinagaling na mag-isa. Dito sa chapter 10 nasa gitna sila ng maraming tao.

Doon, dalawang beses hinaplos ang mga mata ng bulag at gumamit pa si Hesus ng laway para ipahid sa mga mata ng bulag. Dito, ni hindi hinawakan ni Hesus si Bartimeo. Walang physical contact, walang laway na ipinahid. Nagsalita lang.

Doon, hindi kaagad nakakita ang bulag. Inulit pa ni Hesus ang paghaplos. Pero dito nakakita kaagad si Bartimeo pagkasabi ni Hesus na magaling na siya.

Doon, pinauwi ni Hesus ang bulag matapos gumaling. Dito hinayaan niyang sumunod sa kanya si Bartimeo.

Doon, hindi na tinanong ang bulag kung ano ang gusto niya. Dito, tinanong muna siya, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?”

Magkaibang-magkaiba, di ba? Pero sa pagitan ng dalawang kuwento, nakapagitna ang ulat ni San Marko tungkol sa paglalakbay niya kasama ang mga alagad mula sa Galilea patungong Judea, na mauuwi sa trahedya ng kanyang pagdurusa at kamatayan sa Jerusalem. Kumbaga sa painting, nilagay ni San Marko sa kuwadro ang litrato niya tungkol sa paglalakbay nilang iyon at pagtuturo ni Hesus sa mga alagad habang daan. At ang ginamit niyang kuwadro ay ang dalawang kuwento ng pagpapagaling: iyung taga-Bethsaida, at si Bartimeo.

Parehong kuwento ng pagpapagaling pero magkaibang magkaiba. At ang pinakamalaking pagkakaiba ay ang linyang sinabi ni Hesus kay Bartimeo: “Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

Pero sayang kung sa milagro lang tayo titingin, tungkol sa dalawang magkaibang kuwento tungkol sa bulag na pinagaling. Pag ganoon, para tayong tumingin sa painting at walang pinansin kundi ang frame o kwadro. Kailangan ding tingnan ang painting mismo (Mk 8:27-10:45) at ang kuwento nito tungkol sa pagsusumikap ni Hesus na ipaunawa sa mga alagad ang mangyayari sa Jerusalem at ang kaakibat ng pagsunod sa kanya. Saka mo lang maiintindihan kung bakit inipit niya ito sa kuwadro ng kuwento ng dalawang bulag—ang taga-Bethsaida na walang pangalan, at si Bartimeo.

Simple lang ang mensahe ni Marko: ang bulag na makakakita ay ginagawa niyang simbolo ng alagad. Sa una, ibang tao ang gagawa ng paraan para ilapit ka kay Hesus. Para bang sunud-sunuran ka lang. Pero sa dakong huli, mas mas lilinaw ang dating malabo, mas madaling makakita ang lumalapit na kusang-loob, nagpupursigi, sumasampalataya. Hindi sapat ang mabuksan lang ang mga mata at makita ang kapaligiran. Ang pagiging alagad ay nagsisimula pa lang kapag nabuksan na rin ang paningin ng diwa (pananampalataya) at nakilala kay Hesus ng Nazareth ang Kristo, ang Anak ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 41,390 total views

 41,390 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 41,390 total views

 41,390 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 41,390 total views

 41,390 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 40,052 total views

 40,052 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 36,524 total views

 36,524 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGDURUSANG TUMUTUBOS

 2,055 total views

 2,055 total views Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25 Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias

Read More »

ANG TUNAY NA KALABAN

 2,055 total views

 2,055 total views Homiliya para sa Martes Santo, 31 Marso 2026, Jn 13:21-33, 36-38 Nang sabihin ni Hesus na may isa sa kanila na magtataksil sa

Read More »

DALAWANG JESUS

 1,037 total views

 1,037 total views Homiliya Para sa Linggo ng Pagpapakasakit, 29 Marso 2026, Pasyon ni San Mateo 26-27 Dahil ang kuwento ng Pasyon ay kuwento rin ng

Read More »

PAGLILINIS NG KALOOBAN

 1,034 total views

 1,034 total views Homiliya para sa Biyernes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 27 Marso 2026, Juan 10:31-42 Ang kuwaresma ay panahon ng pagsasanay na espiritwal. At

Read More »
Scroll to Top