Kahalagahan ng Social Protection

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,660 total reads

Kapanalig, ang social protection ay sandigan ng mamamayan sa panahon ng kagipitan. Ngunit bakit kaya, hanggang ngayon, hindi pa rin ito abot kamay ng napakaraming mga Filipino? Tinatayang nasa mga mahigit 64% pa lang ng maralita ang may social  protection coverage sa ating bansa.

Ang social protection, kapanalig, ay nagbibigay seguridad sa mga mamamayan sa panahon ng krisis, pag may nagkasakit, nawalan ng trabaho, o kahit anumang sakuna. Nagbibigay ito ng proteksyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng tulong pinansyal sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Sa ating bansa, ang mga halimbawa ng social insurance ay ang Social Security System o SSS, ang Philippine Health Insurance o PhilHealth, pati na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Malaking tulong ang mga ahensyang ito sa mga Filipino. Nagbibigay ito ng mga benepisyo sa mga Filipino na umaagapay sa kanila hindi lang sa panahon ng krisis, kundi pati sa pang-araw araw na buhay. Partikular dito ang 4Ps, na nagbibigay ng cash grants para sa pinakamahirap nating mga kababayan upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, pati na ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang 4Ps ay mahalagang instrumento na makakatulong sana sa marami nating mga kababayan na makabuwelo, at sa kalaunan, makaalpas sa kahirapan.

Kapanalig, kailangan na mapabilis ng pamahalaan ang pagpapalawig at pagpapatibay ng mga programang ito. Marami na nga ang nangangamba, gaya ng mga SSS beneficiaries. Tinatayang pagdating ng 2029 ay nasa peligro na ang pondo nito dahil mas lalaki na ang babayarang benepisyo kesa sa dami ng koleksyon. Paano na ngayon ang mga miyembro nito?

Kapanalig, kailangang pataasin pa ang pondo ng bayan para sa social protection.  Ito ay wise investment dahil habang pinalalakas natin ang estado ng pamilyang Filipino, mas maraming mamamayan ang makakapagtrabaho, makakapag-aral, magiging malusog – magiging aktibong miyembro ng lipunan na malaki ang maiaambag sa ating bayan. Lahat ito ay inputs para sa kagalingan at kaunlaran ng bayan. Sabi nga sa Populorum Progressio: The advancement of the poor constitutes a great opportunity for the moral, cultural and even economic growth of all humanity. Kung hindi tayo mamumuhunan sa proteksyon ng mga mamamayan, lalo na ng maralita, ang kinabukasan ng buong bayan ang atin ding pinababayaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 187,519 total reads

 187,519 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,185 total reads

 258,185 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 291,634 total reads

 291,634 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 326,934 total reads

 326,934 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 545,904 total reads

 545,904 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 187,520 total reads

 187,520 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,186 total reads

 258,186 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 291,635 total reads

 291,635 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 326,935 total reads

 326,935 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top