Labanan ang fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,751 total views

Hinikayat ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang katotohanan laban sa mga maling impormasyon.

Ito ang paalala ng Obispo kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pentecost sa araw ng Linggo ika-4 ng Hunyo, 2017.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na kasabay ng pagsilang ng Simbahan ay tinanggap natin mula kay Hesus ang pangako ng katotohanan at ang katapangan para ipagtanggol ito sa lahat ng oras lalo na sa mga pang-aabuso, katiwalian at pagyuyurak sa karapatang pantao.

Inihalimbawa ng Obispo ang mga fake news na ang iba ay mula pa sa ahensiya ng gobyerno (Philippine News Agency o PNA) at trolls na nagpapakalat ng maling balita para lamang sirain ang kapwa.

“Kanya tandaan natin na tayong nagdiriwang ng pagdating ng Espiritu Santo, tandaan natin na ang tinanggap natin ay ang espiritu ng katotohanan, dahil dito dapat nating ipaglaban ang katotohanan. At paano kakalabanin, sa pagsasabi ng totoo at pagtutuwid ng hindi tamang mga balita, di tamang mga pahayag, mga claims na ginagawa ng tao,” ayon kay Bishop Bacani.

Dagdag pa ng Obispo: “Ang espiritung ito ay spirit of boldness o tapang na madalas na nawawala sa mga tao dahil sa kaduwagang magsalita laban katiwalian, laban sa kamalian, laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Dapat po, tulad ng mga apostol, matapang tayo, malakas ang loob para sa ganun ay ipagtanggol ang totoo at tama lalo na kung niyuyurakan ito at ang karapatan ng mga tao.” paliwanag ni Bishop Bacani.

Sa isang pahayag ni Borongan Bishop Crispin Varquez sa ginanap na 5th regional youth day, hinikayat nito ang mga kabataan na labanan ang mga ‘fake news’ sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga mabubuting kuwento na nagpapakita ng habag.

Iginiit nito na maaring magamit ang social media sa pagpapakalat ng katotohanan at pakikipag-isa lalo’t marami ang gutom at nangangailangan ng salita ng Diyos.

Ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 million, at 94 percent sa mga ito ay may social media, ayon sa pag-aaral ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 46,569 total views

 46,569 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 46,569 total views

 46,569 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 46,569 total views

 46,569 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,128 total views

 45,128 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 41,214 total views

 41,214 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top