Labanan ang kasinungalingan sa darating na halalan, panawagan ng CMSP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,173 total views

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa bawat mamamayan na magkaisa para sa iisang adhikain para sa nalalapit na halalan sa bansa.

Ayon sa CMSP, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat lalo na ang mga kabataan at mga taong Simbahan upang manindigan bilang tagapaghatid ng pag-asa at tagapangalaga ng katotohanan sa gitna ng patuloy na pagkakahati-hati ng lahat dahil sa paglaganap ng kasinungalingan ng lipunan.

“Sa panahong ang pagkakahati-hati ay lason sa pag-uusap, ang kasinungalingan ay lumalambong sa katotohanan, at ang takot ay sumasakal sa pananampalataya, tinatawag namin ang aming kapwa mamamayan—lalo na ang kabataan at ang mga taong simbahan—na tumindig bilang tagapaghatid ng pag-asa at tagapangalaga ng katotohanan.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Nanawagan naman ang CMSP sa mga kandidato upang tunay na mamuno at maglingkod ng may integridad, at kababaang-loob para sa kapakanan at kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

“Nanawagan kami sa mga kandidato: Huwag ninyong samantalahin ang aming sakit. Huwag ninyong galitin o guluhin ang aming takot. Sa halip, mamuno kayo nang may integridad, kababaang-loob, at puso ng tunay na lingkod.” Dagdag pa ng CMSP.

Partikular ding nanawagan ang CMSP sa iba pang mga komunidad at mga lingkod ng Simbahan na patuloy na mangaral at magsilbing gabay para sa bawat mamamayan lalo sa pagbabahagi ng mga kaalaman kung paano pumili ng karapat-dapat na ihalal para sa nalalapit na halalan.

“Nanawagan kami sa Simbahan at mga komunidad relihiyoso: Mangaral ukol sa katarungan. Turuan ang bayan. Samahan sila. Maging mapagmatyag at propetiko. Gawing pugad ng paninindigan at lakas ang ating mga kapilya at kumbento, mga paaralan at misyon.” Ayon pa sa CMSP.

Una ng umapela ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na patuloy na ipanalangin ang paggabay ng Panginoon maging mga kandidato at maging sa mga botante para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng isip at paninindigan para sa kapakanan, kabutihan, at kinabukasan ng buong bansa.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections habang aabot naman sa mahigit 18,200 ang kinakailangang ihalal na mga bagong opisyal ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 28,453 total views

 28,453 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 49,433 total views

 49,433 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 71,861 total views

 71,861 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 244,920 total views

 244,920 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 220,440 total views

 220,440 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 689 total views

 689 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »

EJK Truth Commission, itinatag

 4,445 total views

 4,445 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top