Labanan ang kultura ng karahasan at pagpatay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total views

Mga Kapanalig, sumuko na noong isang linggo ang anim na pulis na sangkot sa kaso ng pagpatay kay Jerhode Baltazar o Jemboy. Napaslang si Jemboy, labimpitong taong gulang, noong ika-2 ng Agosto sa Navotas City habang naghahanda siya at ang kanyang kaibigang pumalaot para mangisda. May hinahanap na suspek na magnanakaw ang mga pulis noon at napagkamalan nila ang magkaibigan. Karagdagan si Jemboy sa listahan ng mga napatay sa kamay ng mga pulis–mga taong sumumpang paglilingkuran at poprotektahan ang taumbayan. 

Sinasabing may mga iregularidad sa naging operasyon ng mga pulis. Ilan sa mga ito ay ang pagsusuot ng Navotas police ng body camera na walang baterya, ang pamamaril nila sa magkaibigan kahit sumusuko sila, at ang pag-iwan nila sa katawan ni Jemboy sa ilalim ng ilog nang mahigit tatlong oras. Lahat ito ay labag sa mga panuntunan ng pulisya sa pagsasagawa ng mga operasyon. 

Dagdag pa mga ito, isiniwalat ng kaibigan ni Jemboy na si Sonny Boy Augustilo na pinagsusuntok at pinilit siya ng mga pulis na magsinungaling sa kanyang affidavit tungkol sa nangyari. Aniya, gusto ng mga pulis na sabihin niyang may dalang baril at droga si Jemboy nang mangyari ang insidente. Kinailangan niya raw magsinungaling “para sa kapulisan na mawawala raw sa serbisyo.” Samakatuwid, gusto ng mga pulis na pagtakpan ni Sonny Boy ang ginawa nilang pagpaslang sa kanyang kaibigan. 

Noong isang linggo, inilabas na ng Navotas Regional Trial Court Branch 286 ang arrest warrant sa anim na pulis. Kusang loob naman silang sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group-Lucena City. Hindi maaaring magpiyansa ang mga pulis dahil pagpatay o murder ang kaso nilang labag sa Article 248 ng Revised Penal Code. Batay ang desisyon ng korte sa resolusyon ng City Prosecutor at mga supporting evidence katulad ng Joint Sworn Statement ng dalawang pulis na sangkot sa insidente, Certificate of Death at Autopsy Report sa mga labi ni Jemboy, at iba pa. 

Binibigyang-diin ng turo ng Simbahan na tungkulin natin bilang mga Kristiyano na tuligsain ang kasalanan, lalo na ang kasalanan ng kawalang katarungan at karahasang kumikilos sa iba’t ibang paraan sa ating lipunan. Bilang mga tagasunod ni Hesus, hinihimok tayo ng Simbahang itaguyod ang dignidad ng mga inaapi sa lipunan, at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Kung patuloy na yuyurukan ang karapatan ng mga naisasantabi, higit na titindi ang kawalan ng katarungan at paggamit ng karahasan sa ating lipunan. Nauuwi ito sa paglakas ng mga istrukturang makasalanan (o structures of sin) o mga institusyon, ugnayan, o sitwasyong taliwas sa magandang plano ng Diyos. Ang mga istrukturang makasalanan ay bunga at ekspresyon ng mga personal at indibidwal na kasalanan. 

Maituturing nang istrukturang makasalanan ang kultura ng karahasan at pagpatay sa bansa natin ngayon. Higit itong nakababahala sapagkat nagmumula ito sa insititusyong sumumpang paglilingkuran at poprotektahan ang taumbayan. Kaya naman, isang pasulong na hakbang sa pagkamit ng hustisya para kay Jemboy at paglaban sa mga istrukturang makasalanan ang naging hatol ng korte at pagsuko ng mga pulis. Gayunpaman, marami pa ring kaso ng pagpatay at pagyurak sa karapatan ng tao ang nanatiling walang usad, kabilang ang mga pinaslang sa ngalan ng giyera kontra droga. 

Mga Kapanalig, huwag tayong mapagod na kundenahin at manawagan ng hustisya para sa mga pinapatay sa bansa–mga bata, mga taong bahagi ng buhay ang droga, mga mamamahayag, mga environmental defenders, at iba pa. Paalala nga mula sa 1 Mga Cronica 28:20, “huwag kang matakot sapagkat ang Diyos ay sumasaiyo, hindi ka Niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 59,922 total views

 59,922 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 69,286 total views

 69,286 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 95,742 total views

 95,742 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 143,977 total views

 143,977 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 144,913 total views

 144,913 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baluktot na katotohanan

 59,923 total views

 59,923 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 69,287 total views

 69,287 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 95,743 total views

 95,743 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 143,978 total views

 143,978 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »
Scroll to Top