Laganap na smuggling ng agricultural products, kinundena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Kinundena ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang talamak na smuggling ng mga agricultural products na pinapahina ang lokal na industriya ng pagsasaka sa Pilipinas.

Kasunod ito ng senate hearing kung saan tinalakay ang suliraning kinakaharap ng ibat-ibang lokal na samahan ng mga magsasaka at suppliers ng mga gulay bunsod ng smuggling.

” Nakalulungkot na sa napakarami at napakalawak na mga pangyayaring nagdudulot ng walang katapusang kahirapan sa ating pamayanan ay nadadagdagan na naman ng bagong pagpapahirap dulot ng SMUGGLING ng mga agricultural products, nakalulungkot at nakapanghihina ng loob ang mga ganitong walang katapusang gawain na mga sakim at ganid nating mga kababayan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, naway iwaksi ang anumang katiwalian at pagiging makasarili ng mga opisyal sa pamahalaan pamahalaan upang tunay na mapairal ang mga batas laban sa smuggling.

Nanindigan si Bishop Bancud na dapat ding pananagutin ang lahat ng sangkot at dahilan kung paano nakapasok ang mga smuggled products sa bansa.

“Ang talagang kinakailangan natin ay ang TOTOO AT MASIGASIG NA PAGSASAKATUPARAN ng mga batas na ito. Ngunit ang nakalulungkot at malaking problema natin ay ang mga inatasang magpatupad nito ay mas madalas na may kinikilingan. Once and for all, PANAGUTIN ANG LAHAT NG MGA SANGKOT sa smuggling na ito as well as the many other crimes that are perpetuated by those in power,” ayon pa sa Obispo.

Dismayado rin si Bishop Bancud sa kakulangan ng mga hakbang ng mga Party-list Representatives na magsilbing boses ng kanilang mga kinakatawang sektor ng lipunan katulad ng sektor ng agrikultura.

Umaasa ang Obispo na hindi makalimutan ng mga partylist na maging boses sa pamahalaan ng kanilang mga kinakakatawan na sektor higit na ngayong nararanasan ang ibat-ibang suliranin bunsod ng pandemya.

“Yung ating mga Party List Representatives na may nasasakupang sector ng lipunan na nangakong paglingkuran sila tulad ng mga farmers, fishermen, merchants, at marami pang iba, pinakikinggan kaya nila ang TOTOONG HINANAING ng kanilang mga nasasakupan? Do they honestly and sincerely listen to the actual situation and experience of their constituents and NOT simply deal with issues only from their limited and self-directed perception?,” pagbibigay diin pa ni Bishop Bancud.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top