Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total reads

Kapanalig, alam mo na ba ang konseptong “Nature Positive?” Ang nature positive ay isang makabagong konsepto – hindi lamang nito nilalayon na maging net-zero emitters ang mga bansa. Hindi lamang nito nilalayon ang “damage control” mindset ukol sa pangangalaga sa mundo. Sinusulong ng nature positive approach ang tunay na pangangalaga sa ating daigdig – upang ito ay maging resilient, upang yumabong pa ang biodiversity,  upang mas dumami pa ang resources nito, at mabawasan pa ang pagkalat ng mga sakit o diseases na maaring magdulot na naman ng pandemya. Ninais nito na ma-restore ang sigla ng ating kalikasan.

Isa mga nilalayon ng nature positive approach ay ang pangangalaga ng ating mga kagubatan. Ang ating bansa, kapanalig ay may land mass na humigit kumulang 30 million hectares. Mahigit sa kalahati nito, mga  52.7 percent, ay mga forestlands. Dahil sa ating mga kagubatan, ang ating bansa ay tinuturing na isa sa mga megadiverse regions – mga lugar kung saan mayabong ang mga tropical forests, kung saan maraming mga uri ng halaman at hayop ang masiglang nabubuhay. Nililinis ng mga tropical forests na ito ang ating hangin. Kinakanlong ng mga ito ang iba-ibang species ng hayop at halaman.

Kaya lamang, ang mga kagubatang ito ay unti-unti ng nawawala – nilalamon na ng mabilis na urbanisasyon pati ng illegal logging sa ating bansa. Ang ating bansa ay isa sa mga severely deforested countries. Kahit pa marami ng batas upang maprotektahan ang ating mga kagubatan, tuloy tuloy ang pagkakalbo nito.

Noong 1934, nasa 17 million hectares ang forest cover ng bansa. Naging 6.8 million na lamang ito noong 2010. Halos hindi na ito nagbabago ngayon.

Ano ba kapanalig ang naging epekto ng pagkakalbo ng ating  mga kagubatan?

Isa na dito kapanalig, ay ang baha. Marami ng pag-aaral ang nagpapakita ng ugnayan ng pagkakalbo ng mga kabundukan sa baha sa mga lambak o valleys. Nitong nakaraang mga taon, mas ramdam natin ang ugnayan nito. Noong dumaan ang Bagyong Ulysses, bumaha na naman sa maraming lugar sa Metro Manila at karatig probinsya. Ayon sa mga eksperto, ang patuloy na land-grabbing, exploitation, at illegal logging sa Marikina Watershed at Sierra Madre ang pangunahing mga rason ng pagbaha. Kapanalig, makakaranas ng forest death ang mga kagubatan sa mga lugar na ito kung hindi natin sila bibigyan ng agarang pangagalaga. At sa kanilang pagkamatay, siguradong buhay din ng tao ang madadamay.

Kapanalig, mainam na tayo ay magsimula ng maging “nature-positive,” mula sa polisiya hanggang sa aktwal na pag-gawa. Hindi na tayo dapat magpatumpik-tumpik pa dahil ang epekto ng ating kapabayaan sa ating kalikasan ay nagdudulot na ng malawakang pinsala. Dumating na tayo sa punto ng ating kasaysayan kung saan naniningil na ang Inang Kalikasan.

Tandaan sana natin ang mga kataga ni Pope Francis sa Laudato Si: The human environment and the natural environment deteriorate together. Kapag ating pinabayaan ang kalikasan, pinabayaan na rin natin ang sangkatauhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,947 total reads

 3,947 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,785 total reads

 27,785 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,345 total reads

 68,345 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 94,944 total reads

 94,944 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,210 total reads

 143,210 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,041 total reads

 164,041 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,786 total reads

 27,786 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,346 total reads

 68,346 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 94,945 total reads

 94,945 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top