Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lahat ng parokya ng simbahang Katolika, hinimok na makiisa sa World Mission Sunday

SHARE THE TRUTH

 26,951 total views

Umapela si Pope Leo XIV sa mga mananampalataya na suportahan ang mga misyonerong patuloy na naglilingkod sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Ito ang panawagan ng Santo Papa sa pagdiriwang ng World Mission Sunday sa October 19, 2025 na may temang “Missionaries of Hope Among All Peoples,” na hango sa paggunita ng Jubilee Year of Hope ng Simbahan ngayong taon.

“I urge every Catholic parish in the world to take part in World Mission Sunday,” ayon kay Pope Leo.

Binibigyang-diin ng Santo Papa na ang pagkakaisa at suporta ng mga mananampalataya ay mahalaga upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga misyonero, lalo na sa mga liblib at mahihirap na lugar kung saan patuloy na lumalaganap ang pananampalataya sa kabila ng mga hamon.

Ibinahagi rin ni Pope Leo XIV ang kanyang personal na karanasan bilang dating misyonerong Agustinong pari at obispo sa Peru, kung saan nasaksihan mismo ang bunga ng kabutihang dulot ng World Mission Sunday.

“Your prayers, your support will help spread the Gospel, provide for pastoral and catechetical programs, help to build new churches, and care for the health and educational needs of our brothers and sisters in mission territories,” dagdag ng Santo Papa.

Ang World Mission Sunday, na ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Oktubre, ay nagbubuklod sa buong Simbahan sa pananalangin at pagtulong para sa kabutihan at pagtatagumpay ng mga misyonero sa buong mundo, lalo na sa mga lugar na humaharap sa matitinding hamon panlipunan at pang-ekonomiya.

Itinatag ang World Mission Sunday noong 1926 ni Pope Pius XI upang pagkaisahin ang Simbahan sa pagdarasal at pagtulong para sa mga gawaing misyonero sa iba’t ibang bansa.

Sa araw na ito, nagsasagawa ang mga simbahan ng special collections na ipinadadala sa Pontifical Mission Societies sa Roma upang suportahan ang mga pari, relihiyoso, katekista, at mga komunidad sa mga lugar ng misyon.

Sa Pilipinas, libu-libong mga misyonerong pari, madre, relihiyoso, at layko ang patuloy na naglilingkod sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang dito ang milyun-milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na tinaguriang “smugglers of faith” dahil sa kanilang tahimik ngunit makabuluhang pagbabahagi ng pananampalataya sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Nananawagan si Pope Leo XIV sa lahat ng parokya ng Simbahang Katolika na aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng World Mission Sunday sa darating na Linggo, October 19.

Sa isang video message, iginiit ng Santo Papa na ang taunang pagdiriwang ay pagkakataon upang ipanalangin at suportahan ang mga misyonerong patuloy na naglilingkod sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Pope Leo, na matagal na nagmisyon sa Peru, naranasan niya kung paanong ang panalangin, pananampalataya, at kabutihang-loob ng mga Katoliko sa World Mission Sunday, ay nakapagbabago ng buhay ng maraming komunidad.

“Your prayers, your support will help spread the Gospel, provide for pastoral and catechetical programs, help to build new churches, and care for the health and educational needs of our brothers and sisters in mission territories,” ayon sa mensahe ni Pope Leo.

Binibigyang-diin ng Santo Papa na ang suporta ng bawat parokya ay tumutulong sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo, pagtatayo ng mga bagong simbahan, at pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan at pang-edukasyon ng mga residente sa mga malalayong parokya.

Panawagan ng Santo Papa na sariwain ng bawat mananampalataya ang kanilang bokasyon bilang mga tagapagdala ng pag-asa ni Kristo sa buong daigdig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,959 total views

 34,959 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,791 total views

 57,791 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 82,191 total views

 82,191 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 101,083 total views

 101,083 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,826 total views

 120,826 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top