189 total views
“This will be significant in finally realizing the lifelong dream of Filipinos to own a property in the most affordable prices.”
Ito ay ayon kay Ms. Bhavna Suresh Chathambeth, Managing Director ng Lamudi Philippines kaugnay sa Lamudi Affordable Housing Fair na isasagawa sa Glorietta 3 activity Center sa Sabado at Linggo July 15 at 16 ngayong taon.
Ayon kay Ms. Suresh pagkakataon ito sa mga kapanalig upang makabili ng murang lupa at pabahay gayundin ay magkaroon ng pagkakataon na makasali sa mga housing auctions.
Kabilang sa serbisyong maibabahagi ng Affordable Housing Fair ng Lamudi ang libreng investment and Housing Seminars, public service booth para sa mga may suwestiyon at katanungan kaugnay sa mga Housing Loans at pabahay ng SSS at Pag-ibig.
Tampok din sa nasabing event ang inyong Kapanalig merchandises hanapin lamang ang inyong Radio Veritas 846 booth.
Sa tala ng UN Habitat ang Metro Manila ang may pinakamalaking bilang ng walang maayos na tirahan na aabot sa 44% ng kabuuang populasyon o katumbas ng 3.1 million Pilipino.
Samantala sa Amoris Laetitia ng Kaniyang Kabanalan Pope Francis dapat na ang bawat tahanan ay puno ng pagmamahal na bumubuklod sa bawat pamilya na siyang bumbuo ng Simbahan.