Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PUV modernization, mabigat na pasanin ng mga tsuper at operator

SHARE THE TRUTH

 570 total views

Naniniwala si Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) National President Efren De Luna na hindi pa napapanahon ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng Department of Transportation (DOTR).

Ayon kay De Luna, sa halip na i-phase out ang nasa mahigit dalawang daang libong jeep sa bansa ay palitan na lamang ang mga makina nito upang hindi maging kalbaryo ng malilliit na driver at operator na nakasalalay sa pamamasada ang pang-araw araw na pantustos sa pamilya.

“Ang imumungkahi natin, maging makatotohanan naman ang ating pamahalaan na yung sistema na pinaplano nila ay sa susunod na ‘yon. Hindi naman kailangan na magkaroon kaagad ng modernization na yung standard [jeep] na ang gagamitin sa 255,000 may prangkisa na mga jeep. Kahit anong isipin natin hindi kaya ng gobyerno na pondonhan at pautangin yung ganyan karami, kaya ang iminumungkahi namin ay pagandahin at ayusin ang mga sasakyan at palitan na lamang yung engine,” ani De Luna.

Sa ilalim ng PUV modernization program, magpapahiram ang pamahalaan ng pondo sa mga tsuper upang mapalitan ng ‘environment-friendly’ na e-jeepney na nagkakahalaga ng 1.5milyong-piso ang mga pampasaherong jeep na may edad labing limang taon pataas.

Layon din ng programa ng transportation department ang pagtatayo ng kooperatiba para sa maliliit na jeepney driver upang madali silang makapagpalit ng unit gayundin ang pagiging suwelduhan ng mga tsuper upang hindi na kakailangin pang magterminal sa mga kalye o lumikha ng trapiko.

Sa tala ng LTFRB, aabot sa 234,000 ang kabuuang bilang ng pampasaherong jeep sa bansa kung saan 70,000 rito ang bumabyahe sa kalakhang Maynila.

Una nang inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na isang regalo mula sa gobyerno ang e-jeepney dahil pinaniniwalaang aabot sa 33-libong piso kada buwan o 1,100 piso kada araw ang kikitaan ng bawat driver, higit na mas malaki sa 700 piso na kasalukuyang kita nila kada araw.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si, hinihikayat ni Pope Francis ang bawat mananampalataya na huwag tangkilikin ang mga pampublikong sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok na pangunahing sanhi ng polusyon sa hangin at pagbabago ng klima sa mundo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,569 total views

 88,569 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,344 total views

 96,344 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,524 total views

 104,524 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,021 total views

 120,021 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,964 total views

 123,964 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,969 total views

 89,969 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,309 total views

 86,309 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,942 total views

 32,942 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,953 total views

 32,953 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,957 total views

 32,957 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top