Limitahan ang pag-angkat ng imported na sibuyas, panawagan ng mga magsasaka sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 807 total views

Nanawagan sa pamahalaan ang mga magsasaka ng sibuyas sa Bongabon Nueva Ecija na limitahan lamang ang pag-angkat ng imported na puting sibuyas.

Pinangangambahan ni Luchie Cena, Manager ng Valiant Cooperative ng mga Onion farmers ng Bongabon Nueva Ecija na pabababain ng malawakang pagtanggap ng imported na puting sibuyas ang halaga sa merkado ng mga lokal na pulang sibuyas.

“Pakiusap lang naman sa Department of Agriculture o Bureau of Plant Industry, kung mag-iimport po ay siguraduhin yung volume na pangangailangan lang ng puti, kasi ang pangangailangan po ng puti ay hindi kasing dami ng pangangailangan ng pula,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cena.

Ito ang pakiusap ng Onion farmers sa plano ng D-A na mag-angkat ng imported na puting sibuyas upang matugunan ang kakulangan ng suplay sa merkado.

Tiniyak naman ni Cena na sapat ang suplay ng pulang sibuyas na pangunahing produkto ng Bongabon Nueve Ecija na kilala bilang Sibuyas Capital of the Philippines.

Ang Valiant Coop ay mayroong mahigit 300 miyembro na mga magsasaka ng sibuyas sa Region-3 kung nasaan ang mahigit 13-libong ektarya na sakahan ng sibuyas.

Batay sa datos ng Department of Agriculture sa mga pamilihan sa Metro Manila, bagamat walang mabilhan ng puting sibuyas ay aabot sa 120 hanggang 140-piso ang presyo kada kilo ng pulang sibuyas.

Unang nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tulungan ang sektor ng agrikultura upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang bawat mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 464 total views

 464 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,284 total views

 15,284 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,804 total views

 32,804 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,377 total views

 86,377 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,614 total views

 103,614 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,562 total views

 22,562 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

YSLEP, kinilala ng MOP

 11,120 total views

 11,120 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top