Kawalang pagpapahalaga ng pamahalaan sa kapakanan ng mga nurse, pinuna ng PNA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 971 total reads

Kinatigan ng Philippine Nurses Association (PNA) ang panawagan ni United Kingdom-based Filipina nurse at George Cross Awardee May Parsons na tugunan ang pangangailangan ng sektor ng mga nurses sa Pilipinas.

Ayon kay Melvin Miranda – Pangulo ng PNA, bagamat nagkakaroon ng sapat na sahod at benepisyo ang mga nurses sa mga pampublikong pagamutan ay nakakalimutan ng pamahalaan ang mga nurse na nasa mga pampribadong pagamutan na dahilan ng kanilang pangingibang bansa.

“Concern talaga natin itong discrepancy between the govt, healthcare institution at saka sa private healthcare institution, isa narin yan kung saan sa govt healthcare institution sa ating entry level salary according sa batas ay salary grade 15, so ang napag-iiwanan naman natin yung mga nasa private healthcare institution na walang pamantayan kung ano talaga ang maiko-consider for the entry level,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Miranda.

Tinukoy ng grupo ang kakulangan ng pagkakaroon ng ‘salary grade’ para sa mga nasa private hospital kaya’t walang sinusunod na batas kung magkano ang dapat na suweldo ng mga nurse.

Umaasa si Miranda na magsulong ng mga batas ang pamahalaan na ipapantay ang suweldo ng parehong mga nasa pribado at pampublikong pagamutan matapos ipakita ng pandemya ang kahalagahan ng mga nurse at iba pang health care workers.

“Maisasakatuparan natin through the enacted na law ay somehow mayroon itong impact sa ating mga nurses na mag-stay in the country and at the same time tayo naman ay makikipag tulungan sa gobyerno kung paaano naman natin maayos yung sahod sa mga nurses natin in the coming months,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Miranda.

Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment, para sa mga nurse na nasa pampublikong pagamutan ay nagsisimula sa entry level o suweldo na 13-libong piso, at aabot ng 85-libong piso habang tumatagal ang taon at higit na nalilinang ang kanilang kakahayan.

Ang entry level sa mga pribadong pagamutan ay aabot lamang sa 10-libong piso.

Patuloy naman ang pananalangin para sa ikabubuti at pagkilala ng simbahang katolika sa mga nurses at iba pang health care workers higit na ngayong panahon ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,746 total reads

 71,746 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,003 total reads

 107,003 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,303 total reads

 142,303 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,572 total reads

 368,572 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,012 total reads

 258,012 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top