Itigil ang malawakang red-tagging

SHARE THE TRUTH

 1,280 total views

Mga Kapanalig, umiigting ang red-tagging sa bansa ngayon. Ang red-tagging ay ang pag-akusa sa mga indibidwal at organisasyon bilang subersibo, komunista, at terorista. Ginagamit itong estratehiya ng mga tagapagpatupad ng batas at militar, ganoon na rin sa social media, laban sa mga itinuturing na banta at kalaban ng gobyerno.

Kamakailan lamang, naging kontrobersiyal ang memorandum na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (o KWF) na nagpapahinto sa pag-imprenta at distribusyon ng limang aklat ng itinuturing nitong subersibo. Sinulat ang mga librong ito ng mga manunulat na ni-red-tag ng mga hosts sa isang YouTube video ng Sonshine Media Network International (o SMNI). Maraming akademiko at manunulat ang kumundena sa video ng SMNI at memo ng KWF na nilagdaan lamang ng dalawa sa labing-isang commissioners nito. Hindi kasama si KWF Chairperson Arthur Cassanova sa mga pumirma sa memo. Sa hiwalay na pahayag, itinanggi niya ang mga akusayong subersibo ang mga libro. Dagdag pa niya, delikado ang akusayong ito dahil maaaring sinisiil nito ang malalayang pamamahayag at academic freedom.

Noong isang linggo naman, pinuna ng historian na si Dr. Ambeth Ocampo ang isang netizen na ni-red-tag ang National Historical Commission of the Philippines (o NHCP). Inakusahan ng netizen na “communism indoctrination” daw ang ginagawa niyang keynote address sa isang pagtitipong inorganisa ng NHCP. Ikinadismaya ito ni Dr. Ocampo na una nang dinumog ng trolls nang punahin niya ang pagkukumpara ng isang aktres sa kasaysayan at tsismis. Ipinaliwanag din niyang ang NHCP ay isang ahensya ng gobyernong itinataguyod ang ating kasaysayan. Hindi ito komunista o teroristang organisasyon.

Dagdag pa sa mga ito, kinasuhan ng Department of Justice (o DOJ) ang labing-anim na indibidwal, kasama ang ilang madre, dahil sa diumano’y pagpondo nila sa mga teroristang grupo. Batay ang akusasyon sa testimonya ng dalawang dating rebelde raw. Ayon sa mga nagpapakilalang testigo, sumulat daw ng proposals ang mga madre sa mga foreign funders upang pondohan ang mga teroristang gawain sa bansa. Kinundena ng Samahang Layko ng Pilipinas, Student Christian Movement of the Philippines, at human rights groups ang ginawa ng DOJ. Para sa kanila, minadali raw ang kaso at hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga akusadong depensahan ang kanilang mga sarili.

Naniniwala ang Simbahang ang kalayaan (o freedom) ay tanda na ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang pagiging malaya ay mahalagang bahagi ng dignidad ng isang tao. Hindi ito nangangahulugang pwede nang gawin ng isang tao ang anumang gustuhin niya. Bagkus, sa pananaw ng Simbahan, ang kalayaan ay nakatuon sa pagpapayaman sa ugnayan ng mga tao at ng kanilang komunidad. Nakaugat naman ang kalayaan sa katotohanan at katarungan. Mahalaga ang kalayaan sa pagtataguyod sa dignidad ng tao dahil sa pamamagitan nito, naisasabuhay natin ang ating bokasyon at nalalaman natin ang katotohanan. Bahagi ng kalayaan ng tao ang pagtakwil sa masasamang nangyayari sa kanyang lipunan.

Delikado ang malawakang red-tagging, hindi lamang para sa kaligtasan ng mga indibidwal at organisasyong inaakusahaan kundi pati sa ating kalayaan. Nililimitahan ng red-tagging ang mga maaaring mabasa, sabihin, at gawin ng mga mamamayan. Niyuyurakan ng red-tagging ang ating dignidad dahil pinipigilan nito ang ating paglago bilang mga tao. Salungat din ito sa prinsipyo ng katarungan dahil hindi nakabatay ang mga akusasyon sa tamang ebidensya.

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Galacia 5:13, tinatawag tayo upang maging malaya at gamitin ang kalayaang ito upang maglingkod sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig. Kung patuloy na lalaganap ang red-tagging ngayon, kailangan natin itong tapatan ng sama-samang pagtutol dito. Bahagi ito ng paninidigan para sa ating dignidad, kalayaan, katarungan, at pag-ibig sa isa’t isa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 65,958 total views

 65,958 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 69,937 total views

 69,937 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 80,829 total views

 80,829 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,271 total views

 93,271 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 104,032 total views

 104,032 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 65,959 total views

 65,959 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 69,938 total views

 69,938 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 80,830 total views

 80,830 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,272 total views

 93,272 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,033 total views

 104,033 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,706 total views

 51,706 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,251 total views

 51,251 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,475 total views

 53,475 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,975 total views

 46,975 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,326 total views

 46,326 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,194 total views

 52,194 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,940 total views

 55,940 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,890 total views

 61,890 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 42,077 total views

 42,077 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,196 total views

 53,196 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top