Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalikasan, daluyan ng pagmamahal ng panginoon sa tao

SHARE THE TRUTH

 598 total views

Nagsisilbing daluyan ng pagmamahal at pagkalinga ng Diyos sa sangkatauhan ang kalikasan.

Ito ang mensahe ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kanyang Pastoral Letter para sa nalalapit na pagdiriwang sa Season of Creation.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship na ang panahon ng paglikha ay panawagan sa bawat mananampalataya upang panibaguhin ang mga tungkulin bilang mabubuting katiwala na mangangalaga sa inang kalikasan.

“Ito ay gawa ng ating Diyos Ama. At ito ay napakaganda na pati ang Diyos ay nagandahan sa kanyang nilikha. Ipinagkatiwala ng Ama sa ating pangangalaga ang magandang sangnilikha. Dahil dito nilikha niya tayong kawangis niya sa mundo, kalarawan niya sa pangangalaga nito,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng opisyal ng CBCP na mahalagang pagyamanin at panatilihin ang mga likas na yamang likha ng Diyos para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

Hinihikayat naman ni Bishop Pabillo ang mahigpit na pagbabantay laban sa mga mapaminsalang proyekto na higit na apektado ang kalikasan at kalauna’y magdudulot ng paghihirap sa mga tao.

“Magkaisa po tayong ipamana sa susunod na henerasyon ang isang mundong maganda at kaaya-aya ayon sa balak ng ating Diyos na Manlilikha. Kaya sikapin nating maging mga mabubuting katiwala ng kalikasan. Ito ay isang malaking karangalan at isang malaking pananagutan,” saad ni Bishop Pabillo.

Ang Season of Creation ay ipinagdiriwang mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng sangnilikha.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,298 total views

 29,298 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,282 total views

 47,282 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,219 total views

 67,219 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,116 total views

 84,116 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,491 total views

 97,491 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 43,240 total views

 43,240 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top