Inosenteng sibilyan, nagdurusa sa digmaan ng Russia at Ukraine—Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na tuluyang mawakasan ang karahasan sa pagitan ng Ukraine at Russia na labis ang epekto sa mamamayan.

Tinukoy ng Santo Papa ang panganib sa sitwasyon ng Zaporizhzhia nuclear plant sa Ukraine na nakubkob ng Russia.

“I hope that concrete steps will be taken to end the war and avert the risk of a nuclear disaster in Zaporizhzhia,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Magugunitang noong Marso nakubkob ng Russian forces ang pinakamalaking nuclear plant sa Europa.

Iginiit ni Pope Francis na walang maidudulot ang digmaan kundi pagkakawatak-watak at pagkasira ng lipunan.
Inihayag ng Santo Papa na pawang mga inosenteng indibidwal ang nagdurusa sa karahasan at nanindigang pagkitil sa karapatang mabuhay at kawalang paggalang sa dignidad ng tao ang isinusulong ng mga naghahasik ng kasamaan.

“The innocent pay for the war! The innocent! Let’s think about this reality and let’s tell each other: war is madness. And those who profit from war and the arms trade are criminals who kill humanity,” ani ng santo papa.

Sa higit anim na buwang digmaang bunsod ng pananakop ng Russia sa Ukraine nasa 15, 000 katao na ang nasawi habang sampung milyon ang lumikas para sa kaligtasan.

Muling hiniling ni Pope Francis sa mamamayan sa buong mundo ang taus-pusong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig lalo na sa mga bansang may kaguluhan tulad ng Russia, Ukraine, Syria, Yemen, Myanmar at iba pang lugar.

“Let us think of Ukraine and Russia. Both countries are consecrated to the Immaculate Heart of Mary. May you, as a Mother, turn your gaze to these two beloved countries: see Ukraine, see Russia and bring us peace! We need peace!” sinabi ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,457 total reads

 70,457 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,831 total reads

 105,831 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,131 total reads

 141,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,400 total reads

 367,400 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,876 total reads

 256,876 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top