Crop insurance, ibinahagi sa mga magsasaka ng Cagayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 961 total views

Higit na napinsala ng pananalasa ng bagyong Florita ang hekta-hektaryang pananim ng mga magsasaka sa Baggao, Cagayan.

Ayon kay Monsignor Gerry Perez, kura paroko ng Saint Joseph the Worker Parish na aabot sa 800 ektarya ng palayan at 12-libong ektarya ng maisan ang napinsala ng nagdaang bagyo.

“Ang mga farmers po kawawa na naman. According sa Baggao Municipal Agricultural Office ay 30 percent po ng palayan ay nasira at 40 percent naman po sa corn fields. So, medyo malaki-laki ‘yung area na badly damage dahil sa Bagyong Florita,” pahayag ni Msgr. Perez sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Sinabi naman ni Msgr. Perez na kasalukuyan nang namamahagi ng crop insurance ang lokal na pamahalaan ng Baggao upang matugunan ang pangangailangan ng mga higit na apektadong magsasaka.

“Ang magandang balita ay may crop insurance kaya panay pini-picture nila ‘yung mga nasirang palayan at dumadagsa ang mga farmers ngayon sa municipal office ng agriculture. Kasalukuyang inaayos ng Baggao LGU kung papaano nila tutulungan ang mga farmers affected by Typhoon Florita,” ayon kay Msgr. Perez.

Samantala, wala namang gaanong naitalang pinsala sa simbahan at mga paaralan sa Baggao.

Batay sa ulat ng Department of Agriculture, tinatayang nasa ₱194-million ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Florita sa sektor ng agrikultura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 1,390 total views

 1,390 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 31,613 total views

 31,613 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 58,264 total views

 58,264 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 153,307 total views

 153,307 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 174,712 total views

 174,712 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top