Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,269 total reads

Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima.

Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor at pamayanang apektado ng mga pinsalang nangyayari sa kalikasan.

Ang mensahe ni Borje ay mula sa ginanap “Writing the Story of Our Generation” na inorganisa ng Climate Tracker Asia na layong pagtuunan ang mahalagang gampanin ng pamamahayag upang hubugin ang pang-unawa ng publiko hinggil sa climate change at positibong pagkilos para sa kalikasan.

“In an era marked by these challenges, the role of journalism in promoting awareness and advocating for sustainable solutions cannot be overstated. You – journalists – have the power to discuss difficult issues, and to tell the public the warning signs of a planet in distress. But these are also the stories that bring the reality of climate change into focus, urging us to act,” ayon kay Borje.

Hinimok ni Borje ang mamamayan na kilalanin at alamin ang mga hamon ng kalikasan nang sa gayo’y matukoy ang mga pamamaraang maaaring makatulong sa pangangalaga sa mundo.

Binigyang-diin din ng opisyal ang pangangailangan para sa mga kuwentong hindi lamang naglalarawan ng mga suliranin bagkus ay nagpapakita rin ng mga solusyon at pag-asa tulad ng tagumpay ng mga eksperto o siyentipiko, mga panawagan ng iba’t ibang grupo at sektor, at ang katatagan ng mga pamayanan.

“We must cultivate a deep respect for the intricate web of life that sustains us all, helping to move everyone toward positive change and responsible stewardship of our planet. We need stories that give hope, because hope drives action leading to positive change,” saad ni Borje.

Nangako naman ang CCC na itataguyod ang press freedom, transparency, at accountability, at pagsuporta sa mga mamamahayag upang higit pang mailapit sa mamamayan ang mga pangyayari at usapin kaugnay sa suliranin ng climate change.

Tuwing ikatlo ng Mayo ay ginugunita ang World Press Freedom Day upang kilalanin ang kahalagahan ng malayang pagpapahayag bilang mahalagang aspeto ng karapatang-pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 36,077 total reads

 36,077 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 262,537 total reads

 262,537 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,004 total reads

 156,004 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,035 total reads

 250,035 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 292,550 total reads

 292,550 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,109 total reads

 150,109 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top