VeritasPH

The Word, The Truth

Lipunang malupit sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 191 total views

Mga Kapanalig, ano ang iyong mararamdaman kung matapos ang iyong pagpapagod sa trabaho, ang matatanggap mong suweldo ay mga baryang nakaplastik?

Naging viral kamakailan sa social media ang kuwento ng isang empleyado ng isang pabrika sa Valenzuela nang ang ibinigay sa kanyang suweldo para sa dalawang araw na pagtatrabaho ay mga baryang nakalagay sa plastik. Umabot sa ₱1,056 ang sahod ni Russel Mañoza, pero ang halagang ito ay binubuo ng lima at sampung sentimong barya. Humingi si Mañoza ng tulong sa lokal na pamahalaan, na agad namang ipinatawag ang kinatawan ng pabrika upang magpaliwanag. Nangako ang alkalde ng lungsod na papanagutin ang mga may-ari ng pabrika para sa aniya ay malupit na pagtrato sa kanilang empleyado.

Ayon sa Department of Labor and Employment (o DOLE), hindi naman daw iligal ang pagbibigay ng suweldong nakabarya. Itinuturing ng ating Labor Code ang mga barya bilang “legal tender” na maaaring ibigay bilang suweldo sa mga manggagawa. Para rin itong ATM na hindi kailangang perang papel ang makarating sa empleyado. Ang ipinagbabawal ng Labor Code ay ang promissory notes, vouchers, coupons, tokens, at tickets bilang pamalit sa perang pansuweldo. Ngunit kung nakabarya ang suweldong ibibigay ng isang employer, lahat ng empleyado ay ganito dapat ang matatanggap. Dapat walang diskrimasyon.

Alinsunod din sa circular ng Bangko Sentral ng Pilipinas, maaari lamang ang suweldong ibibigay nang piso o limampiso kung ang kabuuang halaga ay hindi aabot sa isanlibong piso. Kung ang suweldo ay hindi lalampas sa isandaang piso, pinahihintulutan ang paggamit ng mga sentimong barya. Malinaw na ang nangyari kay Mañoza ay labag sa patakarang ito ng BSP. Isa ring tinitingnang anggulo ang posibilidad na napag-initan si Mañoza kaya siya binigyan ng suweldong nakabarya dahil siya lamang ang nakatanggap nang ganoong suweldo.

Maituturing ngang malupit ang nangyaring ito kay Mañoza at mabuti na lamang na nailabas ito sa balita at social media. Ngunit may mas matitindi pang paglabag sa dignidad ng mga manggagawang Pilipino na hindi natin nakikita at pinagtutuunan ng pansin. Ang pagpapatuloy ng “endo” o kontraktwalisasyon sa maraming negosyo ay ginagawang mailap sa mga manggagawang magkaroon ng pangmatagalang mapagkukunan ng ikabubuhay nila at kanilang pamilya. Hindi sapat ang umiiral na minimum wage para matustusan ang mga pangangailangan ng marami, lalo na ngayong nagtaasan ang presyo ng maraming bilihin. May mga negosyong hindi nagbabayad ng tamang suweldo at hindi nagbibigay ng nararapat na benepisyo sa kanilang mga manggagawa.

Sa impormal na sektor ng ating ekonomiya, marami sa mga manggagawa ang napipilitang kumayod ng mahigit sa walong oras, hindi nakakakain nang maayos, at walang sapat na pahinga. Para silang mga aliping walang magawa kundi tanggapin ang kanilang kapalaran dahil wala naman silang mahahanap na ibang hanapbuhay, lalo na ngayong nasa krisis pa rin tayo.

Sa Laborem Exercens, isang Catholic social teaching na pinalaganap ni Pope John Paul II, binibigyang-diin ang pagtuon sa taong gumagawa ng trabaho kaysa sa kung ano ang trabahong kanyang ginagawa. “Work is ‘for the worker’ and not the worker ‘for work.’” Nasa sentro ng paggawa ang tao, kaya’t ang lahat ng uri ng trabaho—nasa pormal o impormal man sa sektor—ay dapat sinusukat sa kung paano nito itinataguyod ang dignidad ng tao. At makikita natin ito sa kung paano tinatrato ang mga manggagawa. Kung mababa ang turing sa kanila—gaya ng kung paano sila sinusuwelduhan—maaaring sinasalamin nito ang uri ng lipunang mayroon tayo: isang lipunang walang pagpapahalaga sa mga taong tunay na dahilan ng ating kaunlaran.

Mga Kapanalig, katulad ng ipinahihiwatig sa Jeremias 22:13, kahabag-habag ang magiging wakas ng mga taong pinagtatrabaho ang kanyang kapwa sa di-makataong paraan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 3,869 total views

 3,869 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 19,855 total views

 19,855 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 27,900 total views

 27,900 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 32,980 total views

 32,980 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,686 total views

 38,686 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 3,870 total views

 3,870 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 19,856 total views

 19,856 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 27,901 total views

 27,901 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 32,981 total views

 32,981 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,687 total views

 38,687 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,350 total views

 44,350 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,275 total views

 41,275 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,589 total views

 55,589 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,279 total views

 59,279 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,882 total views

 57,882 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,869 total views

 67,869 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,837 total views

 71,837 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,724 total views

 82,724 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,163 total views

 95,163 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,921 total views

 105,921 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top