Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 129,459 total views

Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control projects sa buong Pilipinas.

Kapanalig, mayroong 6,021 na flood control projects na nagkakahalaga ng P350 billion. Ang masaklap,ang uri ng flood control structures na ginawa, kinumpuni o isinailalim sa rehabilitasyon ay hindi specified.

Ang lucky 15 ay kinabibilangan ng Legacy Construction Corporation, Alpha & Omega General Contractor & Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation, QM Builders, EGB Construction Corporation, Topnotch Catalyst Builders Inc., Centerways Construction and Development Inc., Sunwest Inc., Hi-Tone Construction & Development Corporation, Triple 8 Construction & Supply Inc., Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corporation, Wawao Builders, MG Samidan Construction, L.R. Tiqui Builders Inc., and Road Edge Trading & Development Services.

Nakapasuwerte ng mga kumpanyang ito Kapanalig, sila ang laging nanalo sa bidding., sa kanila lang ini-award ang multi-bilyong pisong kontrata. Ang nakakalungkot, mga depektibo at substandard ang kanilang mga proyekto., bukod sa malasadong proyekto, ang mga kumpanyang ito ay sangkot sa maraming “ghost flood control projects” o mga proyekto na hindi nag-eexist o proyekto lamang sa papel.

Natuklasan sa pagbubunyag ng Office of the President na ilan sa mga kumpanyang ito ay konektado at pag-aari ng mga pulitiko. Base sa website ng DPWH, ang Alpa & Omega ay pag-aari ni Cesarah Rowena Discaya, na natalo kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa nakaraang 2025 midterm elections.

Ang Sunwest Inc., naman ay itinatag noong 1997 ni AKO Bicol Rep. Elizaldy Co kung saan nakatala namang pangulo ay si Aderma Angeles. Akalain mo Kapanalig, ang isang bilyunaryo ay nanalong partylist representative. Sa ilalim ng Saligang Batas o 1987 constitution, ang partylist ay nararapat nirerepresenta ng isang mahirap na sektor. Bakit ito nakalusot sa COMELEC?

Kapanalig, ang Centerways Construction and Development Inc., kabilang din sa Lucky 15 ay pag-aari ni Lawrence Lubiano. Si Lubiano lang naman ang top donors ni Senate President Francis Chiz Escudero ng tumakbo ito sa Senado noong 2022 elections. 30-milyon lang naman ang ibinigay nito kay Escudero, kaya bumabawi lang sa utang na lood ang Senador.
Sa kasalukuyan, hindi pa idineklara ang mga kumpanyang ito na imbalido o hindi na maaring mag-bidding sa alinmang government projects. Kapag, hindi tayo naging mapagbantay Kapanalig, makakalusot na naman ang mga kumpanyang ito, lalo’t pinag-uusapan sa kasalukuyan ang panukalang 6.793-trilyong pisong budget para sa taong 2026. Hindi lingid sa ating kaalaman na nailusot ni Senate President Escudero ng minute ang kanyang budget insertions na mahigit sa isang trilyong piso sa bicam report na nilagdaan ng pangulong Marcos.

Kapanalig, ipinagdarasal natin na maging malinis ang budhi ng mga namumuno sa pamahalaan at mga indibidwal na laging isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa kaysa magpataba ng bulsa.

Harinawa manaig sa puso ng mga lider ng bansa ang sinasabi ng Proverbs 28:16 “A ruler who lacks understanding is a great oppressor, but he who hates unjust gain will prolong his days.” At Proverbs 14:31“Those who oppress the poor insult their Maker, but helping the poor honors Him.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 9,268 total views

 9,268 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,380 total views

 79,380 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,994 total views

 153,994 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,073 total views

 234,073 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 277,055 total views

 277,055 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 9,269 total views

 9,269 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,381 total views

 79,381 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,995 total views

 153,995 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,074 total views

 234,074 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top