Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Lumapit sa Mahal na Ina.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total views

Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama ang mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila kaugnay sa papalapit na National and Local Elections sa May 9, 2022.

Sa Liham Pastoral ng mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila na may titulong “NARITO ANG INYONG INA”, nanawagan ang mga lider ng Simbahan na taimtim na magdasal ng Banal na Rosaryo upang hilingin sa Mahal na Inang Maria na tulungan ang bawat isa na iboto ang mga napupusuan ni Hesus para maging lider ng bansa.

Ayon sa mga Obispo, hindi kailanman bibiguin ng Mahal na Ina ang kanyang mga anak na namimintuho sa Kanyang paggabay at pagkalinga.
Kaugnay nito hinihikayat ng mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila ang lahat na magkaisa at sama-samang magdasal ng Banal na Rosaryo araw-araw mula ika-30 ng Abril na Kapistahan ni San Pio V hanggang sa ika-9 ng Mayo na mismong araw ng halalan.

Pagbabahagi ng mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila, makailang ulit ng naipalamas ng Mahal na Inang Maria ang kanyang pagkalinga at pagmamahal sa pamamagitan ng tuwinang pagtugon sa panalangin at hinaing ng mga mananampalataya sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Samantala, hinihikayat rin ng mga Obispo ang bawat botante na tuwinang hanapin at ipagtanggol ang katotohanan at ang makabubuti sa mas nakararami o ang common good.

Partikular ding nakiusap ang mga opisyal ng Simbahan sa bawat isa na manindigan at alagaan ang dignidad at kalayaan sa bansa sa pamamagitan ng makatarungan at matalinong pagboto sa mga karapatdapat na kandidato.

Matatandaang una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa bawat isa na seryosohin ang pakikisangkot sa kabuuang proseso ng nakatakdang halalan bilang bahagi ng pananagutan sa hindi lamang sa bayan kundi sa kapwa mamamayang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 61,514 total views

 61,514 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 129,002 total views

 129,002 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 150,067 total views

 150,067 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 171,440 total views

 171,440 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 203,922 total views

 203,922 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top