Madilim na Kinabukasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Kapanalig, kung hindi natin babaguhin ang ating mga nakagawian at business as usual pa rin ang takbo ng buhay sa mundo, ang kinabukasan ng sanlibutan ay maaring ma-peligro. Tinatayang aabot ng 1.7 degrees Celsius hanggang  3 degrees Celsius ang temperature ng mundo sa loob ng tatlong dekada. Kung mangyari ito, hindi kakayanin pa ng mga bulnerableng mamamayan at iba pang species—marami ang mamamatay.

Emergency na kapanalig, ang sitwasyon ng ating kalikasan ngayon. Kung wala tayong babaguhin, ang susunod na henerasyon, ang ating mga anak at apo, ang magdudusa.

Mas lalakas pa ang mga bagyong kanilang mararanasan. Mas dadalas at mas tataas pa ang mga bahang kanilang pagdudusahan. Mas iinit pa ang tag-init, at mas sasagad buto pa tag-lamig. Walang iba silang mundong mapupuntahan upang tumakas dito – iisa lamang ang ating planeta.

Kaya’t napakahalaga na malimita ng sandaigdigan ang  global warming ng 1.5 degrees Celsius lamang. Kailangang malimita natin ang mga greenhouse gases o GHG sa ating kalawakan. Sa ngayon, ang sampung pinaka-malaking emitters ng GHG ay ang China, United States, European Union, India, Russia, Japan, Brazil, Indonesia, Iran at Canada.

Kung nakikilala niyo si Greta Thunberg, isang teenager na environmental activist – masigasig niyang pinaglalaban ang immediate action o agarang pagkilos ng mga bansa upang maprotektahan ang ating mga planeta. Marami ang bumabatikos sa kanya noon, pero kapanalig, ang kanyang ginagawa ay huwaran – pinaglalaban niya ang karapatan ng susunod na henerasyon na mabuhay sa isang mundong buhay at nagbibigay buhay.

Hanggang ngayon kapanalig, napakahirap tanggapin na tayo mismo ang pumapatay sa ating luntiang mundo. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi naniniwala sa climate change, at sa mga epekto nito na atin ng nararamdaman sa ngayon.

Kapanalig, kung iniisip natin na wala tayong dapat gawin laban sa climate change dahil hindi naman tayo ang nagbubuga ng napakaraming GHG sa mundo, nagkakamali tayo. Hindi man tayo ang pangunahing salarin, tayo naman ang pangunahing biktima. Ang ating bansa ay pang-apat sa buong mundo na pinaka-apektado ng climate change. Ang pinaka-madilim na kinabukasan ay naghihintay sa mga bansang gaya natin, kapanalig. Kaya kailangan masigasig din tayo, gaya ng mga environmental activists tulad ni Greta Thunberg.

Ayon sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng US Catholic Bishops, “At its core, global climate change is not about economic theory or political platforms, nor about partisan advantage or interest group pressures. It is about the future of God’s creation and the one human family.” Ang problema natin sa kalikasan ay hindi ukol sa politika, ukol ito sa buhay nating lahat. Kaya kailangan natin magtaya, dahil buhay natin at ng mga mahal natin ang nakataya.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 6,373 total reads

 6,373 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 31,588 total reads

 31,588 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 72,147 total reads

 72,147 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 98,563 total reads

 98,563 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,829 total reads

 146,829 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 167,485 total reads

 167,485 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 31,590 total reads

 31,590 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 72,149 total reads

 72,149 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 98,565 total reads

 98,565 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top