Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maghigpit ng sinturon!

SHARE THE TRUTH

 396 total views

Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang taumbayan na magtipid sa nagbabadyang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ito ang negatibong epekto ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Pingangambahan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-ECMIP na ang pananatili ng palitan sa 50-pesos sa isang dolyar ay magpapahirap sa taumbayan dahil tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado gayundin sa serbisyo.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Bishop Santos ang mamamayan na matutong magtipid o maghigpit ng sinturon para paghandaan ang panahon ng kagipitan at malaking gastusin.

“Ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar ay may negative na impact para sa atin, susunod rin na tataas ang presyo ng bilihin. Kaya sana ay magtipid, magsinop, bilhin lamang ang karapat – dapat, mag – ipon sapagkat darating ang araw na kailangan na kailangan natin ng pera at higit sa lahat sa pasukan, sa tag– ulan kailangan natin ng maluwag na pamumuhay at sa pagpapaaral.”panawagan ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Batay sa exchange rate bulletin ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagsara ang palitan ng piso sa 50.25 kada isang dolyar.

Dahil sa mababang halaga ng piso, inaasahan rin na magtataas ang singil sa tubig, kuryente maging ang pamasahe.

Nauna rito, pinuna ng C-B-C-P ang kawalan ng mga programa ng administrasyong Duterte para tugunan ang laganap na kahirapan sa bansa dahil nakatutok lamang ito sa “war on drugs” sa halip na “war on poverty”.

Read:
http://www.veritas846.ph/gobyerno-kulang-ang-focus-sa-paglaban-sa-kahirapan/
http://www.veritas846.ph/simbahan-sa-gobyerno-tutukan-naman-ang-paglikha-ng-poverty-alleviation-programs/

Batay sa Annual Poverty Indicators Survey, ang monthly poverty threshold o buwanang gastusin ng isang pamilya na binubuo ng limang miyembro ay P8,022 kada buwan upang makamuhay ng marangal at matiwasay.

Sa pinakahuling survey ng S-W-S, 11.2-milyong Filipino ang walang trabaho o jobless sa huling quarter ng taong 2016.

Lumabas din sa survey na 44-porsiyento o katumbas ng 7.7-milyong pamilyang Filipino ang dumaranas ng kahirapan.(Romeo Ojero)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,254 total views

 44,254 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,735 total views

 81,735 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,730 total views

 113,730 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,463 total views

 158,463 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,409 total views

 181,409 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,540 total views

 8,540 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,066 total views

 19,066 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 6,463 total views

 6,463 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 21,488 total views

 21,488 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 24,186 total views

 24,186 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top