Magkaisa para sa kabutihan ng lahat, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Isantabi ang pagkakaiba sa pananaw pampulitika at magkaisa para sa common good matapos ang halalan sa bansa.

Ito ang apela sa bawat botante ni Balanga Bishop Ruperto Santos – CBCP Central Luzon Regional Representative kaugnay sa dapat na maging pagtugon ng mga mamamayan matapos ang National and Local Elections 2022.

Ayon sa Obispo, matapos na maisakatuparan ng mga botante ang kanilang patas na karapatan na maghalal ng mga bagong opisyal ng bayan ay mahalaga na tanggapin ng bawat isa ang resulta ng eleksyon at igalang ang boto ng kapwa Pilipino.

Pagbabahagi ni Bishop Santos, nawa matapos ang halalan ay isantabi ng bawat isa ang pagkakaiba-iba at muling magtulungan para sa kabutihan ng mas nakararami o ang common good.

“To vote is our constitutional right. It is our sovereign duty. Let us exercise it freely, with clear conscience and for a better and brighter future. Once the collective will of our people have been known, let us accept it and respect the voice of our people. After election let us set aside divisions, work together and collaborate for common good.” Ang bahagi ng pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas.

Samantala nagpaabot naman ng pasasalamat si Bishop Santos sa lahat ng mga PPCRV Volunteers sa Diyosesis ng Balanga na matiyagang nagbantay at naglingkod upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos, matapat at marangal na halalan.

“And I voted, with able assistance of our mostly PPCRV youth, in Poblacion Balanga City.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Batay sa tala ng Diyosesis ng Balanga may 2,521 ang PPCRV Volunteers sa diyosesis na nakibahagi sa pagbabantay ng kaayusan at karapatan ng National and Local Elections 2022 sa diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,664 total reads

 79,664 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,224 total reads

 120,224 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,268 total reads

 143,268 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,536 total reads

 191,536 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,524 total reads

 210,524 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top