Military Ordinariate, ipinagdarasal na maging tunay na lingcod bayan ang mananalo sa halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 785 total reads

Ipinapanalangin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio na tunay na magsilbing lingkod bayan ang sinumang mga opisyal na maihahahal sa National and Local Elections 2022.

Ayon sa Obispo, nawa ay tunay na isabuhay at gampanan ng sinumang maihahalal na mga bagong opisyal ng bayan ang kanilang tungkulin na magsilbi at maglingkod ng tapat para sa kapakanan at kabutihan ng taumbayan.

Nanawagan naman si Bishop Florencio sa mga kandidato na hindi papalaring manalo na tanggapin ang desisyon ng taumbayan at patuloy na manalig sa kaloob ng Panginoon sa buhay ng bawat isa.

“I also pray that whoever gets the will of the people may with all sincerity and honesty serve according to his capability. For those who did not make it, may this be a moment of grace and hope that one day everything will just take place according to God’s design.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Samantala tiniyak naman ni Bishop Florencio na siya ring Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care ang pakikipagtulungan at suporta sa sinumang maihahalal na mga bagong opisyal ng pamahalaan.

Inihayag ng Obispo na malugod niyang tatanggapin at susuportahan anuman ang maging resulta ng National and Local Elections 2022.

“I sincerely and calmly accept that whatever is the outcome of the local and National elections 2022. I will gladly abide and support whoever he or she maybe in serving our people and country.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 18,000 posisyon sa pambansa at lokal na pamahalaan ang kinakailangang mapunan ng National and Local Elections 2022 na kinabibilangan ng pinakamataas na mga lider ng bansa sa pangunguna ng pangulo, pangalawang pangulo, mga mambabatas at mga pinunong panglalawigan sa buong bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,667 total reads

 79,667 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,227 total reads

 120,227 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,271 total reads

 143,271 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,539 total reads

 191,539 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,527 total reads

 210,527 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top