VeritasPH

The Word, The Truth

Unang hakbang sa pagbabago

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Mga Kapanalig, sumapit na nga ang pinakamahalagang araw sa ating demokrasya. Ngayong araw, pipili tayo ng mga bagong lider ng ating bayan—mula sa pangulo at ikawalang pangulo hanggang sa mga alkalde at konsehal sa ating lugar. Nasa kamay ng 67.5 milyong rehistradong botante sa loob at labas ng bansa ang kahihinatnan ng ating bansa sa susunod na mga taon. Kaya naman, maituturing ang araw ng eleksyon na unang hakbang sa pagbabago.

Ang kapangyarihang pumili ng mamamayan ng mga mamumuno sa kanila ang isang aspeto ng demokrasyang pinahahalagahan ng ating Santa Iglesia. Walang pinapaborang porma ng pamahalaan (o form of government) ang Simbahan dahil ang mahalaga ay ang pagkamit sa kabutihan ng lahat o common good. Ang mga porma ng pamahalaan, kabilang ang demokrasya, ay means o kaparaanan lamang, hindi ang mismong end o pangunahing layunin. Gayunman, pinapahalagahan natin ang demokrasya dahil tinitiyak nito ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga lider. Pinapanagot din nito mga pinunong lumilihis sa kanilang sinumpaang tungkulin, at kung kinakailangan, pinapalitan sila sa mapayapang paraan katulad ng halalan. Dagdag pa ng Catholic social teaching na Centesimus Annus, posible ang tunay na demokrasya (o authentic democracy) kung umiiral ang mga batas at kung nakaugat ito sa tamang pag-unawa at pagkilala sa dignidad ng tao.

Marahil, hindi madaling maunawaan ng marami sa atin ang kahalagahan ng demokrasya. Ang mga mali sa demokrasya, kumbaga sa sakit sa katawan ng tao, ay malayo sa ating bituka. Hindi madaling makita ang kaugnayan nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mapapakain ba tayo ng demokrasya? Mapag-aaral ba nito ang ating mga anak? Magkakaroon ba tayo ng magandang trabaho dahil dito? Tataas ba ang suweldo ng mga manggagawa? Aangat ba ang buhay ng mga dukha dahil sa demokrasya? Hindi madaling magbigay ng direktang sagot sa mga tanong na ito.

Ngunit subukan natin tumutok sa isang aspeto nito: ang pagboto. Noong 2016, pumili tayo ng mga lider ng bansa, at ang mga nanalo noon ang pinakatiwalaan nating mamamahala sa atin. Mula sa araw na iyon, anu-ano ang masasabi mong pagbabago sa iyong buhay? Kumusta ang iyong trabaho? Nakapagtatabi ka ba mula sa iyong suweldo o nauuwi lang sa mga gastusin? Kumusta ang pag-aaral ng iyong mga anak, lalo na nitong may pandemya? Noong may nagkasakit sa iyong pamilya, nakapunta ba kayo sa ospital? Mabigat ba sa bulsa ang inyong naging gastos? Kung nakaraos—o umunlad pa—ang iyong pamilya nitong huling anim na taon, mapalad kayo.

Ngunit hindi lahat ay kasimpalad ninyo. Marami ang nawalan ng trabaho nang magsara ang mga negosyo noong pandemya. Marami ang umasa sa ayudang ilang araw lang napakinabangan. Maraming bata ang hindi na nakakapag-aral. Marami ang namatayan ng kapamilya, hindi lamang dahil sa pandemya kundi sa mga pagpatay sa ngalan daw ng kaayusan. Ang mga pangyayaring ito, personal man sa ating paningin, ay bunga ng mga desisyon ng mga nasa kapangyarihan. At ang mga nasa kapangyarihan ay ang mga taong pinili ng mga botante noong huling eleksyon. Malayo man sa bituka ang demokrasya, makikita nating may mga ugat ang ating mga personal na pinagdaraanan ngayon sa isang araw noon kung kailan pumili ang mga Pilipino ng ating mga lider.

Mga Kapanalig, anumang pagbabago ang ihatid sa atin ng eleksyon, nawa’y hindi natin makalimutang buong bayan ang makikinabang—o manganganib. Wika nga sa 1 Corinto 12:26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Ganito rin ang ating buhay sa isang demokrasya. May epekto sa iyo at sa iyong kapwa ang desisyon mo ngayong araw ng eleksyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,325 total views

 16,325 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,370 total views

 24,370 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,450 total views

 29,450 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,156 total views

 35,156 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,944 total views

 43,944 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,326 total views

 16,326 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,371 total views

 24,371 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,451 total views

 29,451 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,157 total views

 35,157 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,945 total views

 43,945 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,021 total views

 41,021 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,335 total views

 55,335 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,025 total views

 59,025 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,628 total views

 57,628 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,615 total views

 67,615 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,583 total views

 71,583 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,470 total views

 82,470 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,909 total views

 94,909 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,667 total views

 105,667 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,920 total views

 52,920 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top