Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magpakatao at maging bahagi ng katarungan sa lipunan, panawagan ng Obispo sa mga mag-aaral

SHARE THE TRUTH

 217 total views

Ito ang panawagan ni San Jose Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga mag-aaral.

Paliwanag ng Obispo hindi lamang karunungan ang mahalaga kundi ang pagpapakatao at maging Bahagi sa kaayusan at katarungan ng lipunan.

Inihabilin naman ni Bishop Mallari sa mga estudyante ang pagbubukas ng loob at pagtanggap sa Banal na Espiritu upang maging gabay sa kanilang paglalakbay bilang mga mag-aaral.

Kaugnay nito, mahigit sa pitong libong bagong estudyante ng Univeristy of the Santo Tomas (UST) ang dumaan sa Arch of the Centuries-isang matandang tradisyon ng paaralan bilang pagbati sa mga bagong miyembro ng Thomasian community at hudyat ng pagsisimula ng buhay estudyante.

Ang Arch of the Centuries ay ang sinaunang pintuan ng paraalan noong ito pa ay nasa Intramuros, Manila na isang simbolo ng pagsisimula.

Pinangunahan ni UST vice-rector Rev. Fr. Richard Ang, OP ang banal na misa na dinaluhan ng mga freshmen grade 11 students na ginanap sa Quadricentennial Pavillion.

Sa homiliya, binigyan diin ng pari ang iba’t- ibang mga pagsubok sa pag-aaral na maaring harapin ng bawat estudyante na dapat malagpasan para sa hinahanap na tagumpay.

“I am climbing my mountain, I will do it. I will make it. You will see it,” ayon kay Fr. Ang bilang mensahe sa mga bagong mag-aaral ng UST.
Pinaalalahan din ni Fr. Ang ang mga mag-aaral na maging bahagi ng pagbabago ng lipunan hindi lamang sa karunungan kundi ang pagkakaroon ng puso para magmalasakit sa kapwa.

Ayon pa kay Fr. Ang, “You’ve got to have a big heart, you have to think, feel and you have to do something.”

Ang UST ay binubuo ng higit sa 40 libong mag-aaral, kabilang na dito ang may pitong libong estudyante na pumasok para sa senior high school.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,027 total views

 14,027 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,127 total views

 22,127 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,094 total views

 40,094 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,352 total views

 69,352 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,929 total views

 89,929 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 29,884 total views

 29,884 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top