454 total views
Palalakasin ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagtulong sa mga gustong pumasok sa militar na walang sapat na kakahayang pinansiyal.
Ito ang ibinahagi ni Ms. Nida Detablan, Program Coordinator ng Pondo ng Pinoy sa Military Ordinariate of the Philippines.
Inihayag ni Detablan na nasimulan na nila ang pagbibigay ng ayuda at suporta sa mga mahihirap na nagnanais maging sundalo.
Ayon kay Detablan, palalakasin nila ang programa dahil marami ang lumalapit sa Military Diocese na walang kakayanang mag-aral o pumasok sa mga paaralang pang-militar.
“Si Bishop [Jaime Florencio] nagiisip siya kasi marami tayong kababayan na nag-apply sa military, may training yan sila, may requirements tawag sa kanila striker itong mga tao na ito kailangan nila ng pondo para kapag nag apply sila meron sila mapagkukunan yan ang focus namin kung ma-approve sabi ni Bishop,” paliwanag ni Detablan sa segment na Pondo ng Pinoy sa Caritas in Action.
Ipinagmalaki ni Detablan na ang kanilang unang natulungan na makapag-aral at makapasok sa militar ay nagtataglay ng mga mabuting katangian ng isang mananampalataya.
“’Yan ang magdadala ng mabuting ugali at asal kasi na screen natin [sila] naturuan natin para sa mabuting ambag lalo na ngayon na tayo ay nasa synod of [solidality] we can ensure na maakay natin ang ating mga kababayan at makatulong tayo sa kanilang pangangailangan,” dagdag pa ni Detablan.
Inihayag ni Detablan na aktibo rin ang mga kapilya ng Military Ordinariate sa buong Pilipinas sa pagsuporta sa Pondo ng Pinoy.
“Sa ngayon yung MOP nagsusumikap na maka-likom ng mga crubms para sa Pondo ng Pinoy para lalo nating matulugan ang mga nangangailangan. Sa buong Pilipinas alam naman natin ang mga chapels natin ay nagsusumikap na maka contriburte para dito.”
Ayon kay Detablan, mahigit 25 na ang kanilang mga kapilya sa iba’t ibang kampo sa buong Pilipinas.