Maging maingat, maalam at manalangin.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total reads

Ito ang paalala sa mamamayan ni Balanga Bishop Ruperto Santos bilang paghahanda ngayong tag-ulan na hudyat ng pagpasok ng mga magkakasunod na bagyo sa bansa.

Ayon kay Bishop Santos, mahalaga ngayong tag-ulan na isaalang-alang ang iba’t ibang bagay para sa kaligtasan sa loob at labas ng tahanan.

“Take necessary precautions sa loob at labas ng bahay. Ayusin, kumpunihin ang mga sira sa bahay at maghanda ng mga pagkaing de lata, gamot, at baterya sa radio at flashlights,” paalala ni Bishop Santos mula sa panayam ng Radio Veritas.

Pinayuhan din ng obispo ang mamamayan ng pagiging mapagbantay hinggil sa lagay ng panahon, gayundin ang pagsunod sa mga panuntunan ng lokal na pamahalaan lalo na sa mga lugar na madalas daanan ng bagyo at nakakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Hinimok naman ni Bishop Santos ang lahat na kasabay ng pag-iingat ay huwag pa ring kakalimutang dumamay at tumulong sa mga higit na nangangailangan lalo’t higit sa mga maaapektuhan ng sakuna.

Paalala rin ng Obispo na sa anumang sakuna at pagsubok ay mahalaga ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng lahat at pagkakaroon nang maayos na panahon.

“Higit sa lahat, tumawag palagi sa Diyos. Manalangin parati. Magtiwala sa Kanya at palaging sumunod sa Kanyang kalooban at kautusan,” ayon kay Bishop Santos.

Batay sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong tag-ulan ay asahan nang makakaapekto ang Southwest monsoon o hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, kabilang na ang Metro Manila.

Ngayong taon, ang mga bagyong Agaton at Basyang pa lamang ang nakaapekto sa bansa na parehong naramdaman noong Abril.

Tinatayang aabot sa 20 bagyo ang karaniwang nararanasan sa Pilipinas sa loob ng isang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 27,368 total reads

 27,368 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 64,401 total reads

 64,401 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 82,612 total reads

 82,612 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,940 total reads

 166,940 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,063 total reads

 203,063 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,714 total reads

 80,714 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top